Sachzna Laparan, nagbahagi ng video ng kanyang pamamasyal sa Singapore

Sachzna Laparan, nagbahagi ng video ng kanyang pamamasyal sa Singapore

- Masayang Sachzna Laparan ang makikita sa bagong Instagram post niya na kuha sa kanyang Singapore trip

- Makikita sa kanyang post na tumatawa ito kasama ang mga kaibigan at sa kanyang caption ay nakalagay ang "so far, so good"

- Ito ay ilang araw lamang matapos niya ibahagi ang video kung saan makikitang umiiyak siya at nagtatanong kung ano ang kulang sa kanya

- Naging usap-usapan din ang umano'y hiwalayan nila ni Jerome Ponce kasunod ng pag-unfollow nila sa isa't-isa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Sachzna Laparan ang bagong video na kuha sa kanyang Singapore trip kasama ang kaibigan. Hindi kagaya sa naunang vdeo niya na sobrang lungkot niya at humahagulgol habang nasa sasakyan, mukhang masaya siya sa kanyang pamamasyal.

Sachzna Laparan, nagbahagi ng video ng kanyang pamamasyal sa Singapore
Sachzna Laparan, nagbahagi ng video ng kanyang pamamasyal sa Singapore (@sachzna)
Source: Instagram

Sa kanyang caption ay sinabi niya na tila maayos na rin ang kanyang lagay.

Read also

Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago

So far, so good. #SG

Ito ay ilang araw lamang matapos niya ibahagi ang video kung saan makikitang umiiyak siya at nagtatanong kung ano ang kulang sa kanya. Dahil dito ay umigting ang usap-usapang hiwalay na sila ni Jerome Ponce. Gayunpaman, wala pang direktang pag-amin mula sa kanilang dalawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).

Inamin ni Sachzna na apektado siya sa lumabas na isyu matapos ang nasabi ni Zeinab Harake sa kanyang live video. Kaugnay ito sa malapit niyang kaibigang si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl na ayon kay Zeinab ay may nasabi din tungkol kay Sachzna. Hindi naman umano siya masyadong nasaktan sa sinabi ni Zeinab na wala naman siyang mapapala kung makikipag-collab siya kay Sachzna dahil totoo naman umano ito. Gayunpaman, hindi din umano malapit ang loob niya kay Zeinab dahil may nasasabi din ito laban sa kanya.

Read also

Lumang panayam kay John Estrada, muling nag-viral sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito

Sa isang bihirang pagkakataon ay muling nagkasama ang dating magka-tandem na sina Jomar Lovena at Sachzna. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kani-kanilang mga partner sa totoong buhay. Kasama din nina Jomar at Veybillyn ang kanilang anak na si Baby Sety nang pumunta sila kina Sachzna. Ikinatuwa ito ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa na nabuo noong magkasama pa lang sila sa mga vlogs nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel