Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago

Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago

- Nag-post si Sabina Barretto ng kanyang mensahe para sa mga magulang na sina Claudine Barreto at Raymart Santiago

- Ito ay sa katatapos lamang na graduation niya kung saan dumalo ang kanyang mga magulang

- Bukod kina Raymart at Claudine, pinasalmatan niya rin ang kanyang yaya na aniya ay naging pangalawang ina niya

- Nauna na ring naibahagi ni Claudine ang video ng recognition day ni Santino at Graduation day ni Sabina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng mensahe si Sabina Barretto para sa kanyang mga magulang na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago na parehong dumalo sa kanyang graduation kamakailan. Sa kanyang IG story, inihayag niya ang pagmamahal at pagpapasalamat niya sa mga magulang niya.

Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago
Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago (@claubarretto)
Source: Instagram

Bukod kina Raymart at Claudine, pinasalamatan niya rin ang kanyang yaya Ging na aniya ay naging pangalawang ina niya. Nauna na ring naibahagi ni Claudine ang video ng recognition day ni Santino at Graduation day ni Sabina.

Read also

Claudine Barretto, nagpahiwatig tungkol sa pinagdadaanan: "Lalaban na ako"

Thank you to my parents for always being there to guide me and yaya Ging for being a second mom to me! I love you parents ang yaya Ging!
Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago
Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago (@sab_barretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinasilip ang kanilang masayang bakasyon kasama si Rosie

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel