Claudine Barretto, pinakilig ang mga fans nila ni Rico Yan sa binahaging love letter

Claudine Barretto, pinakilig ang mga fans nila ni Rico Yan sa binahaging love letter

- Isang love letter ang ibinahagi ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account

- Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor

- Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan

- Matatandaang nakapagbahagi na rin si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang kiligin ang mga fans at tagahanga ng tambalang Claudine Barretto at Rico Yan matapos ibahagi ni Claudine ang isang love letter ng yumaong aktor para sa kanya. Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-post ang aktres ng liham ni Rico para sa kanya.

Claudine Barretto, pinakilig ang mga fans nila ni Rico Yan sa binahaging love letter
Claudine Barretto (@claubarretto)
Source: Instagram

Sa katunayan ay maging ang ilan sa mga memorable na bagay ay kanyang ibinabahagi sa social media tuwing inaalala niya ang kanyang dating karelasyon.

Read also

Matteo Guidicelli, pinakita ang sosyaling Christmas tree nila ni Sarah Geronimo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga fans nila:

O my gosh! Kumakain ako tapus napasigaw ako sa kilig habang nag babasa ..super kilig! Babasahin ko yan ng paulit2x para kiligin ng paulit! Pag sulat ni Rico to claudine lng ako kinikilig..thanks for sharing Ms. Claudine! More pa!
OMG!!!! The sweetest Thank you so much Ms. Clau for sharing this! We appreciate it.
Forever fan of RYCB .. luv u @claubarretto ... My Husband in heaven know that u & Rico are my favorite's , I remember when he's in ICU he remind me of saying na " hnd na c Rico iiyakan mo lagi KC nwala na xa , Aq na Mami " hnd q mkklimutan un

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Vilma Santos, inalala ang pagtusok sa kanya ng perdible ng hater

Kamakailan ay lumabas sa isang panayam kay Claudine na sinabi nitong hindi umano dumadalaw sina Marjorie at Julia Barretto sa kanyang mommy.

Naging usap-usapan din kamakailan ang napipintong paggawa ng pelikula ni Claudine at ng dati niyang kasintahang si Mark Anthony Fernandez.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel