Vilma Santos, inalala ang pagtusok sa kanya ng perdible ng hater

Vilma Santos, inalala ang pagtusok sa kanya ng perdible ng hater

- Sa kanilang kwentuhan, naibahagi ni Vilma Santos sa anak na si Luis Manzano kung gaano katindi ang iringan ng fans nila noon ni Nora Aunor

- Sa katunayan ay mayroon pa umanong tumusok ng perdible sa kanya at hindi na niya nakita kung sino ang gumawa niyon

- Naibahagi niya din na nagkakapisikalan pa noon ang mga fans nila dahil sa tindi ng fan wars noon

- Sina Vilma at Nora ay maituturing na kabilang sa pinakamaningning na bituin ng Philippine showbiz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi ni Vilma Santos ang tindi ng fan wars sa pagitan ng mga Vilmanians at Noronians noon. Ang mga Noronianas ang fans ng tinaguriang "Superstar" na si Nora Aunor. Naranasan niya pa umanong masaktan ng pisikal.

Vilma Santos, inalala ang pagtusok sa kanya ng perdible ng hater
Luis Manzano, Vilma Santos and Jessy Mendiola (@rosavilmasantosrecto)
Source: Instagram

Ayon sa kanyang kwento ay nakaramdam siya ng masakit sa kanyang tagiliran. Ito ay sa kanyang pagpasok sa sinehan. Napagtanto niyang may tumusok sa kanya ng perdible. Nagkakapisikalan ang mga fans nila noon ni Nora Aunor ayon sa kanya.

Read also

Vilma Santos, inamin na nagkaroon sila noon ng tampuhan ni Nora Aunor

Marami naman sa mga fans ang nagpatotoo sa kwentong ito ni Ate Vi.

Hagalpak talaga ako sa topic niyo about Squid Game e, halos mangiyak-ngiyak ako kakatawa HAHAHAHAHAHA sobrang nakaka good vibes talaga kayong mag ina ❤️kuya Luis, more fb live & vlogs pa po with ate Vi, po please! Hehe

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Totoo po yan ate Vi, nakikipag sigawan ako sa mga Noranian nung araw 70's, lagi kami nanonood nun ng The Sensation. Kumusta po si Jojit yung singer na ka duet nyo
My Mom is a Vilmanian. Nung araw na manganganak ako tinawagan ko siya and exactly she said “ay kabirthday ni Vilma ang apo ko”. . Sa halip na magpanic at tanungin ako kung nasa hospital na ako yun ang nasa isip niya. Hahahaha. Wala lang gusto ko lang ishare bakit ba

Read also

Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang natutunan

Si Vilma Santos ay isa sa mga pinagpipitagang at batikang aktres sa Pilipinas. Ilang taon na rin siyang nanunungkulan bilang public servant. Sa kasalukuyan siya aynanunungkulan bilang Representative for the Lone District of Lipa, Batangas. Ikinasal siya sa Senador na si Ralph Recto at anak niya ang TV host na si Luis Manzano.

Kagaya ng karamihan sa mga artista, pinasok na rin ni Vilma ang paggawa ng YouTube videos. Sa katunayan, kinaaliwan ang vlog niya kamakailan.

Ibinahagi niya rin ang dahilan kung bakit tinawag na Lucky ang anak niyang Luis.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel