Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang natutunan

Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang natutunan

- Naging panauhin ng Bawal Judgmental ng 'Eat Bulaga' si Steff na aminadong limang beses napasok sa maling relasyon

- Madalas umano siyang mapapaniwala ng mga nakakarelasyon na wala silang sabit

- Ito ay dala umano sa paghahanap ni Steff ng bubuo sa kanyang pamilya kahit na mayroon na siyang mga anak

- Ngayon, nahanap naman na niya ang lalaking para sa kanya at ikinasal na rin sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Buong tapang na ibinahagi ni 'Steff', isa sa mga naging guest sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga noong Nobyembre 5 ang mga dinanas niya sa paghahanap ng kanyang 'the one.'

Nalaman ng KAMI na limang beses napasok sa maling relasyon si Steff sa pag-aakalang walang sabit at single ang mga ito.

Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang karanasan
Bawal Judgmental guest 'Steff' (Photo screengrab from Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nagkaroon din siya ng mga anak na bukas naman ang isipan sa nangyayari sa kanya.

Read also

Dani Barretto, emosyonal na makita ang saya ng anak na muling nakapunta sa mall

Lumaki umano siya na ang pananaw ay ang pagbuo ng pamilya na may nanay at tatay para sa kanyang mga anak at sa kasamaang palad, nauuwi siya sa maling relasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, hindi niya maiwasang mag-isip at kwestyunin ang sarili.

"Mapapaisip ka na, 'Is there something wrong with me? Bakit I always end up, not really the wrong person, but with the wrong relationship?' Ayoko sabihing wrong person kasi nagka-feelings din naman ako doon sa tao"

Subalit ngayon, masaya na si Steff na natagpuan na ang lalaking para sa kanya at ikinasal na rin sila.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento mula sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga:

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host na nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."

Read also

Jennylyn Mercado, walang kinaiinisan kay Dennis Trillo: "Tinanggap ko nalang"

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Matatandaang nag-viral din ang nakamamanghang kwento ng pag-ibig ni Danny Cortezano at ang kanyang namayapa nang misis na si Lorna.

Buong tapang na naikwento rin ni Danny sa 'Bawal Judgmental' ang masasayang taon na nakasama niya ang misis hanggang sa mga huling sandali nito lamang Disyembre ng 2020 bago ito bawian ng buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel