Dani Barretto, emosyonal na makita ang saya ng anak na muling nakapunta sa mall

Dani Barretto, emosyonal na makita ang saya ng anak na muling nakapunta sa mall

- Matapos luwagan nang bahagya ang pagbabawal sa mga menor de edad na makalabas, isa si Dani Barretto sa mga nanay na masayang nailabas na sa wakas ang kanilang mga anak

- Ibinahagi ni Dani ang kanilang pagpunta sa mall at ito umano ang unang pagkakataon na nakapunta sa mall ang anak simula nang magkaroon ng mga lockdown

- Dagdag pa niya, apat na buwan lamang si Millie noong huling pagdala niya sa kanya sa mall

- Hindi niya mapigilang maging emosyonal na makita ang saya ng anak na ngayon ay dalawang taong gulang na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kagaya ng mga karamihang mga magulang, agad na ipinasyal ni Dani Barretto ang anak na si Millie matapos ang bahagyang pagluwag ng mga restrictions na nagbabawal sa mga menor de edad na makapasok sa mga malls.

Read also

Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang natutunan

Dani Barretto, emosyonal na makita ang saya ng anak na muling nakapunta sa mall
Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto)
Source: Instagram

Ani Dani, apat na buwan pa lamang si Millie nang huli niya itong nadala sa mall bago ang pandemya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatuntong itong muli sa mall at masaya siya na makita ang kakaibang kasiyahan sa kanyang anak.

Hindi niya mapigilang maging emosyonal na makita ang saya ng anak na ngayon ay dalawang taong gulang na.

Today was Millie’s first toy store experience and her first time to step foot in a Mall again. The last time she was just 4 months. She was so amazed and was just smiling the whole time. This momma couldn’t hold back her tears. The sparkle in her eyes was just the purest and most amazing thing I have ever seen. Ahhh thank you Lord for today.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens na nakarelate kay Dani:

Read also

Miss Glamour 2021 sa Mexico, 'di na tuloy; Pambato ng Pilipinas nais nang makauwi

Same feeling ng dinala ko kanina yung little one ko enjoy na enjoy sa mga toys ☺️ sobrang nakakatuwa sa puso makita yung anak na masaya
very mother's wish
I’m not her momma but I’m also in tears. Why?
Her reaction is priceless.

Si Dani Barretto ay anak ni Marjorie Barretto at dati nitong karelasyong si Kier Legazpi. Isa siyang kilalang social media influencer at vlogger.

Apat ang kanyang kapatid sa kanyang ina; sina Julia, Claudia, Leon, and Erich. Ikinasal siya sa kanyang longtime boyfriend na si Xavi Panlilio.

Kamakailan ay usap-usapan ang video ng mag-asawang kasabay na kumakain ang kanilang kasambahay.

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang pagbati ni Dani sa inang si Marjorie ng Happy Father's Day.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel