Jennylyn Mercado, walang kinaiinisan kay Dennis Trillo: "Tinanggap ko nalang"

Jennylyn Mercado, walang kinaiinisan kay Dennis Trillo: "Tinanggap ko nalang"

- Tila nahirapan si Jennylyn Mercado na sagutin ang kung ano ang bagay tungkol kay Dennis Trillo na kinaiinisan niya

- Game na game na sumagot ang dalawa sa 'The Newlyweds challenge' ng Preview magazine sa kanila

- Karamihan din ng tanong ay pareho ang sagot ng dalawa na nangangahulugang kilalang-kilala na nila ang isa't isa

- Nito lamang Oktubre 29, sabay na kinumpirma nina Jennylyn at Dennis na nagdadalang-tao ang Kapuso aktres engaged na rin silang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahirapan umanong sagutin ni Jennylyn Mercado ang tanong na "What does Dennis do that annoys Jen?"

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng 'The Newlywed game' na pinagawa sa kanila ng Preview.

Makailang segundo pang nag-isip ang dalawa lalo na si Jennylyn.

Jennylyn Mercado, nahirapang sagutin kung ano ang kinaiinis niya sa fiance na si Dennis Trillo
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Photo screengrab from Jennylyn Mercado YouTube channel)
Source: Facebook

"Ano ba? Parang wala e... Masyadong mabait 'to e," ani Jen.

Read also

Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang natutunan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Masyado akong behave," pag-segunda naman ni Dennis.

Hanggang sa inilagay na lamang ng aktor na "When I snore" dahil sa minsanan niyang paghilik.

Ayon naman kay Jen, sanay na siya at hindi naman daw talaga niya ikinaiinis ang paghihilik ng kanyang fiance.

Kwento pa ni Jen, tinatapik na lamang niya si Dennis. "Hindi pwedeng ako lang 'yung nagigising," natatawang sinabi ng Kapuso aktres na nagdadalang-tao na rin sa first baby nila ni Dennis Trillo.

Narito ang kabuuan ng makulit nilang video:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Read also

Maui Taylor sa nakasamang aktres na umano'y may attitude: "Winarla ko talaga siya"

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y fiancée na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Oktubre 29, in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen.

Isa si Lolit Solis sa mga nagbahagi ng ilang kaganapan sa taping bago tuluyang matigil ang aktres. Naibahagi rin ng betaranang showbiz reporter ang kanyang pagsuporta sa susunod na kabanata ng buhay nina Jen at Dennis Trillo gayung nakikita niya ang katatagan ng relasyon ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel