Maui Taylor sa nakasamang aktres na umano'y may attitude: "Winarla ko talaga siya"

Maui Taylor sa nakasamang aktres na umano'y may attitude: "Winarla ko talaga siya"

- Diretsahang sinabi ni Maui Taylor ang tungkol sa nakasamang artista na umano'y may attitude

- Inamin pa ni Mauwi na talagang pinakitaan din niya umano ng kanyang pangil ang naturang aktres na ito

- Maging ang buong set daw umano ng bago nilang ilalabas na proyekto ay hindi rin nagustuhan ang ugali ng artistang ito

- Subalit dahil pinili niyang hindi na lang pangalanan ito, kumasa na lang siya sa dare na body shot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang keme na sinagot ni Maui Taylor ang tanong sa kanya ni Chad Kinis na bahagi ng body shot challenge nito sa kanya.

Nalaman ng KAMI na mayroon umanong 'may attitude' na nakasama si Maui movie project nito sa direksyon ni Daryl Yap.

Naitanong ni Chad kung mayroon ba sa mga ankasamang baguhang aktres na 'uma-attitude set.

Read also

Jennylyn Mercado, walang kinaiinisan kay Dennis Trillo: "Tinanggap ko nalang"

Maui Taylor sa nakasamang aktres na umano'y may attitude: "Winarla ko talaga siya"
Maui Taylor (@therealmauitaylor)
Source: Instagram

'Yung nga nakatrabaho ko na ni-launch ng Viva, Rhan Escano, Cindy Miranda, Sunshine Guimary, AJ Raval. Rose Van Ginkel... Sinong pinaka-attitude? Wala eh. Wala sa kanila," pahayag ni Maui.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit nang maitanong ni Chad kung mayroon ba sa apat na artista na proyekto ni Direk Daryl ang mayroong attitude, hindi na nag-preno pa si Maui at sinabing 'winarla' niya raw ito o pinakitaan din ng pangil.

"Shot na lang ako," ang nasabi ni Maui ngunit nagbigay siya ng kaunting detalye tungkol sa aktres na tinutukoy.

"Ay naku meron, winarla ko siya talaga... Bulong ko sa inyo mamaya," lakas loob na sinabi ni Maui at maging ang buong set daw ng proyekto ay nagalit umano sa tinutukoy na aktres.

Mapapanood ang kabuuan ng matapang na body shot challenge kay Maui sa Facebook page ni Chad Kinis.

Read also

Herlene 'Hipon Girl' Budol, nahihiyang inamin na crush si Dingdong Dantes

Si Maui Taylor ay isang well-known model, singer, at actress sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroon nang 465,000 subscribers. Siya ay kasan sa DJ at businessman Anton Sabarre at nabiyayaan na rin siya ng dalawang anak na sina. Antoine Miguel at Matteo Alonzo.

Sa naging eksklusibong panayam ng KAMI kay Maui, naikwento nito ang mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang magkaroon siya ng mga anak.

Isa rin sa mga naikwento niya ay ang pagbabalik ng kanyang showbiz career ngayon na kabi-kabila naman ang kanyyang mga proyekto.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel