Herlene 'Hipon Girl' Budol, nahihiyang inamin na crush si Dingdong Dantes

Herlene 'Hipon Girl' Budol, nahihiyang inamin na crush si Dingdong Dantes

- Napaamin ni Pia Arcangel si Herlene 'Hipon Girl' Budol patungkol sa celebrity crush nito

- Bukod sa inamin niyang idolo niya si Maine 'Yaya Dub' Mendoza, nahihiya rin nitong inamin na crush niya si Dingdong Dantes

- Ilan din sa mga naikwento ni Herlene ay ang isyu na umano'y nagdalang tao siya

- Naibahagi rin niya ang tungkol sa kanyang 'pag-arte' lalo na ngayong bahagi na siya ng bagong teleserye na 'Never say Goodbye' ng GMA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaamin ng news anchor na si Pia Arcangel si Herlene 'Hipon Girl' Budol tungkol sa celebrity crush nito na isa ring Kapuso actor.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga naitanong ni Pia sa panayam niya kay Herlene ay kung sino ang kanyang iniidolong artista at maging ang celebrity crush nito.

Read also

Elisse Joson, ibinahagi ang kanyang 'ADIML' video kasama ang kanyang baby Felize

Herlene 'Hipon Girl' Budol, nahihiyang inamin na crush si Dingdong Dantes
Herlene 'Hipon Girl' Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Diretsahang sinabi ni Hipon Girl na idolo niya si 'Yaya Dub' Maine Mendoza ngunit nang babanggitin na niya ang kanang crush, bigla itong nahiya.

"Baka magalit si Marian, si Dingdong," sagot ni Hipon Girl.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan din sa mga naitanong sa kanya ay ang tungkol sa nabalitang buntis umano siya.

Aniya, ibang karamdaman ang kanyang naipatingin noon sa ob gyne at may ilang tao na nakapagpakuha ng picture kasama siya.

"Akala po siguro nila, ay nasa ob gyne 'to akala nila buntis tapos nawala po ako noon kasi nag-lock in taping po kami ng 'Never Say Goodbye'."

"Ang tagal kong nawala akala nila nanganak na ako... Two months, ano 'to aso?" biro pa ni Herlene.

Naikwento rin niya ang kanyang acting experience sa pinakabagong serye ng GMA kung saan siya kabilang. Sa tulong ng mga kasama niya sa 'Never Say Goodbye,' maayos naman niyang nagagampanan ang role bilang si 'Alana'.

Read also

Bongbong Marcos, sinabing birthday party ang dahilan ng pagkikita nila ni Sara Duterte sa Cebu

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya sa programang 'Tunay na Buhay' ng GMA:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon Girl" ay isang komedyante, aktres at TV host sa programang "Wowowin". Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Matatandaang, buong tapang na sinagot ni Hipon Girl ang akusasyon sa kanya na nabuntis umano siya ng kanyang 'Kuya Wil.'

Maging si Willie ay pinabulaanan ang issue at makailang beses din na lumabas si Hipon Girl sa ilang online shows kung saan mapatutunayang hindi raw siya nagdadalang tao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel