Vilma Santos, inamin na nagkaroon sila noon ng tampuhan ni Nora Aunor

Vilma Santos, inamin na nagkaroon sila noon ng tampuhan ni Nora Aunor

- Inamin ni Vilma Santos na maging sila ni Nora Aunor ay nagkatampuhan din noon

- Naapektuha ang kanilang pagkakaibigan dahil sa tindi ng pag-aaway ng kanilang mga fans at supporters

- Hindi umano sila nag-iimikan kahit magka-eksena sila at naging awkward ang kanilang sitwasyon

- Gayunpaman, nang namatayan si Nora o mas kilala bilang si Ate Guy, dumalaw si Ate Vi at simula noon ay nagkaayos na sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napakwento si Vilma Santos tungkol sa tindi ng bangayan at awayan ng fans nila ni Nora Aunor noong araw. Aniya, umabot sa puntong maging sila ay naapektuhan sa pag-aaway ng kanilang mga fans.

Umabot pa daw sa pisikalan ang pag-aaway ng mga Vilmanians at Noranians noon.

Vilma Santos, inamin na nagkaroon sila noon ng tampuhan ni Nora Aunor
Luis Manzano, Vilma Santos and Jessy Mendiola (@rosavilmasantosrecto)
Source: Instagram

Hindi umano sila nag-imikan kaya ang kanilang mga eksena ay naging awkward. Gayunpaman, nang namatayan ang Superstar, dumalaw umano si Vilma at nagkaayos na sila at ngayon nga daw ay magkumare na.

Read also

Ryan Agoncillo, naging ninong muna bago naging daddy ni Yohan

Sinang-ayunan naman ni Luis Manzano na natural lang sa mga artista ang nagkakatampuhan. Marami naman sa mga fans ang napabalik-tanaw kung gaano nila pinaglaban noon ang kanilang idolo:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Totoo po yan ate Vi, nakikipag sigawan ako sa mga Noranian nung araw 70's, lagi kami nanonood nun ng The Sensation. Kumusta po si Jojit yung singer na ka duet nyo
My Mom is a Vilmanian. Nung araw na manganganak ako tinawagan ko siya and exactly she said “ay kabirthday ni Vilma ang apo ko”. . Sa halip na magpanic at tanungin ako kung nasa hospital na ako yun ang nasa isip niya. Hahahaha. Wala lang gusto ko lang ishare bakit ba
Nanay ko fin iniwan paninda nya at sumakay sa sasakyan nyo yata truck nilindag nya para lang makita ka ate vi.. haha

Read also

Vilma Santos, inalala ang pagtusok sa kanya ng perdible ng hater

Si Vilma Santos ay isa sa mga pinagpipitagang at batikang aktres sa Pilipinas. Ilang taon na rin siyang nanunungkulan bilang public servant. Sa kasalukuyan siya aynanunungkulan bilang Representative for the Lone District of Lipa, Batangas. Ikinasal siya sa Senador na si Ralph Recto at anak niya ang TV host na si Luis Manzano.

Kagaya ng karamihan sa mga artista, pinasok na rin ni Vilma ang paggawa ng YouTube videos. Sa katunayan, kinaaliwan ang vlog niya kamakailan.

Ibinahagi niya rin ang dahilan kung bakit tinawag na Lucky ang anak niyang Luis.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel