Ryan Agoncillo, naging ninong muna bago naging daddy ni Yohan

Ryan Agoncillo, naging ninong muna bago naging daddy ni Yohan

- Ikinuwento ni Ryan Agoncillo ang kanyang bahagi sa adoption ng kanilang panganay na anak ni Judy Ann Santos na si Yohan

- Naikwento niyang naging ninong pa siya ni Yohan subalit hindi siya dumalo sa binyag nito

- Dahil sa nagiging seryoso na noon ang relasyon nila ni Judy Ann, doon na rin unti-unting napapalapit ang loob ni Ryan kay Yohan bilang ama nito

- Katunayan, mas malapit pa umano ito sa kanya dahil mas madalas si Yohan na makapagkwento sa kanya maging ng mga problema nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinuwento ni Ryan Agoncillo sa kanyang mga Dabarkads ang tungkol sa naging papel niya sa adoption noon ng panganay nilang anak ni Judy Ann Santos na si Yohan.

Nalaman ng KAMI na naging ninong pa ni Yohan si Ryan gayung magkaibigan pa lamang sila noon ng tumayong ina nito na si Juday.

Read also

Vilma Santos, inalala ang pagtusok sa kanya ng perdible ng hater

Ryan Agoncillo, naging ninong muna bago naging daddy ni Yohan
Ryan Agoncillo kasama si Yohan (@ryan_agoncillo)
Source: Instagram

Ayon pa kay Ryan, hindi raw talaga siya dumalo sa binyag ni Yohan gayung hindi siya komportable. Paliwanag niya, nangangamba siyang mahalin na agad ang bata gayung wala pa namang kasiguraduhan noon sa relasyon nila ni Juday.

"Papunta pa lang sa mag-boyfriend girlfriend. Medyo nag-iingat ako kasi ayaw kong mapa-ibig dun sa bata. Mahulog yung loob naman sa isa't isa tapos hindi pa namin sure,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"So ako nung una, nung binyag ni Yohan kinuha ako ni Judy Ann na Ninong. So ninong ako ni Yohan. In fact, hindi ako nag-attend nung binyag kasi hindi ako comfortable. Kasi by the time na malaki na si Yohan nun, ilang months na medyo ano na nagkaka-inlaban na kami (ni Judy Ann)"
"Na kung pupunta akong Ninong, medyo nag-alangan lang ako na teka ano bang papel ko dito?"

Read also

Maui Taylor sa nakasamang aktres na umano'y may attitude: "Winarla ko talaga siya"

Subalit nang pumatak na ng isang taong gulang si Yohan, seryoso na rin ang relasyon nina Ryan ay Juday.

Tila bumawi si Ryan at ang buong pamilya niya ay dumalo na ng 1st birthday noon ni Yohan. Ito ang estado kung saan binubuo na nila ang relasyon sa bata na tinawag niyang rason kung bakit buo ang 'party of five' nila ni Judy Ann.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ryan mula sa Eat Bulaga YouTube channel:

Si Ryan Agoncillo ay isang aktor, modelo at TV host sa Pilipinas. Siya ang mister ng sikat na aktres sa bansa na si Judy Ann Santos. Bukod kay Yohan, biniyayan pa sila ni Juday ng dalawang anak na sina Luna at Lucho.

Sa kasalukuyan, si Ryan ay bahagi pa rin ng longest-running noontime show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host na nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel