EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016

EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016

- Naluha sina EB Dabarkads Paolo Ballesteros at Wally Bayola habang nagkikwento si Boobay ng kanyang pinagdaanan noong 2016

- Matatandaang agaw-buhay si Boobay noon nang tamaan ng mild-stroke at aminadong halos hindi na niya alam ang nangyayari sa sarili

- Gayunpaman, may mga taong sumuporta at tumulong sa kanya na labis niyang pinasalamatan

- Dahil sa mga pangyayaring ito, natuto siyang mahalin at pahalagahan ang sarili at natuto umano siyang tumanggi bilang pangangalaga sa kanyang kalusugan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging emosyonal si Boobay nang mailahad niya sa Eat Bulaga ang mga nangyari sa kanya noong 2016 kung saan tinamaan siya ng mild stroke.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga panauhin si Boobay sa 'Bawal Judgmental' segment ng Noontime show at isa sa mga naiabahagi niya ang agaw-buhay na karanasan.

Read also

Boobay, naiyak nang inalala ang pagtulong ni Marian Rivera sa kanya noong 2016

EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016
Norman Balbuena aka Boobay (@boobay7)
Source: Instagram

Laking pasalamat niya umano sa dati niyang partner na nakapansin ng kakaibang mga nangyayari sa kanya tulad ng panghihina at pagkawala ng kaniyang memorya, hindi maitaas na mga kamay at maging ang pagsasalita na dumating pa sa punto na hindi niya masabi ang nasa isang larawan kahit na alam niya naman ito.

Naluha pati ang Dabarkads na sina Wally Bayola at Jose Manalo nang maikwento rin niya ang tungkol sa dati niyang pangarap na makapag-perform sa mga comedy bar sa Maynila na naisakatuparan naman.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit dahil sa kasipagan na rin niya noon at hindi halos siya tumanggi sa mga trabahong ibinibigay sa kanya, inakala niyang malakas siya subalit unti-unti na pa lang bumibigay ang kanyang pangangatawan.

At dahil sa sinapit, nasa limang taon na ang nakalipas, natuto na rin si Boobay na pangalagaan at pahalagahan ang sarili.

Read also

Bugoy Cariño, umalma sa mga negatibong komento kay EJ Laure

Narito ang kabuuan ng pahayag kay Boobay mula sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga:

Si Norman Balbuena o mas kilala bilang si 'Boobay' ay isang komedyante, television host, at performer. He became a regular host of the award-winning game show, “Celebrity Bluff.” at mayroon din siyang programa ni Super Tekla ang The Boobay and Tekla Show.

Sa kabila ng pag-aaruga sa kanya ng dating nobyo na si Kent Rosquir noong siya ay na-stroke noong 2016. Nauwi rin sa hiwalayan ang kanila sanang siyam na taong relasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel