Boobay, naiyak nang inalala ang pagtulong ni Marian Rivera sa kanya noong 2016

Boobay, naiyak nang inalala ang pagtulong ni Marian Rivera sa kanya noong 2016

- Ibinahagi Boobay kung paano siya tinulungan ng aktres na si Marian Rivera

- Ito ay nang ma-stroke siya noong 2016 at hindi siya pinabayaan ni Marian at inilagak pa siya sa maayos na ospital

- Ayaw daw talaga itong ipasabi ng aktres ngunit labis na nagpapasalamat si Boobay sa kabutihan ni Marian

- Sinang-ayunan naman ito ng mga Eat Bulaga Dabarkads at sinabing mabait talaga si Marian

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Emosyonal na naikwento ng komedyanteng si Boobay kung paano siya natulungan ni Marian Rivera noong dumanas siya ng agaw-buhay na karamdaman noong 2016.

Isa si Boobay sa mga naging panauhin ng Eat Bulaga Bawal Judgmental at naikwento niya ang kanyang near-death experience limang taon na ang nakalilipas.

Boobay, ikinuwento ang kabutihan ni Marian Rivera na nakatulong magsalba ng buhay niya
Norman Balbuena aka Boobay (@boobay7)
Source: Instagram

Ikinuwento ni Boobay na na-mild stroke siya noon at malaking bagay na isang therapist ang dati niyang partner na nalaman agad ang kanyang kalagayan.

Read also

EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016

Inamin niya na may pagka-workaholic talaga siya sa pag-aakalang malakas ang kanyang pangangatawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa pangyayaring ito, natuto naman siyang pahalagahan ang sarili at hindi basta na lamang tanggap ng tanggap ng trabaho para na rin sa kanyang kalusugan.

Isa-isa ring pinasalamatan ni Boobay ang mga tumulong sa kanya na malampasan ang mga pagsubok na ito.

At nang pinasalamatan niya si Marian Rivera, talagang naiyak si Boobay dahil naniniwala siyang wala na sana siya ngayon kung hindi sa labis na pagmamalasakit sa kanya ng Kapuso actress.

"Siyempre ang aking My Loves, Marian Rivera. Ayaw na ayaw niyang binabanggit ko siya tungkol sa ganito pero, Yanyan... kung hindi dahil sa'yo, siguro wala talaga ako rito," naiiyak na sinabi ni Boobay.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga:

Read also

Madam Inutz, sinurpresa ang nanay-nanayan niya sa Tondo; "Syempre share your blessings"

Si Norman Balbuena o mas kilala bilang si 'Boobay' ay isang komedyante, television host, at performer. He became a regular host of the award-winning game show, “Celebrity Bluff.” at mayroon din siyang programa ni Super Tekla ang The Boobay and Tekla Show.

Sa kabila ng pag-aaruga sa kanya ng dating nobyo na si Kent Rosquir noong siya ay na-stroke noong 2016. Nauwi rin sa hiwalayan ang kanila sanang siyam na taong relasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel