Buong pangalan ng 15 local celebrities na isang pangalan lang ang gamit sa showbiz

Buong pangalan ng 15 local celebrities na isang pangalan lang ang gamit sa showbiz

Tumatak na sa isip natin ang iisang mga pangalan ng mga kilalang artistang ito.

Siyempre naman may apelyido sila at yung iba mahahaba pa ang pangalan pero mas pinili nila na isang pangalan lang ang gamitin sa showbiz marahil para mas madaling tandaan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Narito ang buong pangalan nila na ang iba ay malayo sa screen name nila.

1. Tekla

Ang buong pangalan ni Tekla ay Romeo Librada

2. Kyla

Malayo sa tunay niyang pangalan na Melanie Hernandez Calumpad-Alvarez ay Kyla

3. JayR

Marahil dahil siya ay 'Junior' kaya mas pinili ni JayR ang screen name na malayo sa tunay niyang Gaudencio Sillona III.

4. Karylle

Ana Karylle Tatlonghari-Yuzon ang tunay na pangalan ni Karylle kaya naman minsan natatawag siyang Anna Karylle ng mga katrabaho.

5. Allan K

Marahil mas magandang pakinggan ang Allan K kaysa Allan Q dahil sa tunay na pangalan niyang Allan Quilantang.

6. Michael V

Walang bakas na Michael V sa tunay niyang pangalan na Beethoven del Valle Bunagan.

7. Jaya

Maria Luisa Ramsey ang binigay na pangalan sa kanya ng ina na si Elizabeth Ramsey.

8. Andrew E

Nabanggit na minsan ni Andrew E ang tunay niyang pangalan sa kanyang kanta. Andrew Ford Espiritu ang buong pangalan niya.

9. Gloc-9

Aristotle Pollisco ang buong pangalan ni Gloc na makikita rin sa kanyang instagram.

10. Boobay

Norman Balbuena ang real-name ni Boobay

11. Ate Gay

Dahil sa paggaya niya kay Ate Guy, naging ate Gay si Gil Morales.

12. Pekto

Walang bahid ng Pekto ang Michael Nacua na tunay na pangalan niya

13. Nina

Marifil Niña Girado ang tunay na pangalan ni Nina. Mapapansin na Nina ang ginamit niya kahit pa Niña ang second name niya.

14. Mahal

Noemi Tesorero ang tunay na pangalan ni mahal

15. Abra

Raymond Abracosa ang tunay na pangalan ni Abra. Sa apelyido niya kinuha ang one-name niya na Abra.

The new virus has been spreading all over the planet. It’s called "In My Feelings" Challenge, or Drake Dance Challenge. KiKi Do You Love Me Drake Dance Challenge Part 2 | Drake - In My Feelings Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW

Pretty! Heart Evangelista, isa sa napiling favorite faces ng Kate Spade sa NYFW
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel