Bugoy Cariño, umalma sa mga negatibong komento kay EJ Laure

Bugoy Cariño, umalma sa mga negatibong komento kay EJ Laure

- Hindi pinalampas ni Bugoy Cariño ang mga masasakit na salitang ibinabato sa kanyang partner at ina ng anak niya

- Matapos niyang magbahagi ng video sa TikTok kung saan magkasama silang sumasayaw, binaha ito ng negatibong komento

- Agad namang pinagtanggol ni Bugoy si EJ Laure na aniya ay mas pipiliin niya kaysa sa babaeng puro ganda lang

- Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon ng dalawa dahil sa agwat ng kanilang edad lalo noong nag-uumpisa pa lamang silang iugnay sa isa't-isa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Usap-usapan ngayon ang mga naging pahayag ni Bugoy Cariño para ipagtanggol ang kanyang partner na si Ej Laure sa mga netizens na naghayag ng mga hindi kaaya-ayang komento. Ani Bugoy, para sa kanya ay mas pipiliin niya ang babaeng kagaya ni EJ kesa sa babaeng puro ganda lang.

Read also

Robin Padilla, pinagtulungang gupitan ng kanyang mag-inang sina Mariel at Isabella

Bugoy Cariño, umalma sa mga negatibong komento kay EJ Laure
Photo from iambugoycarino03/Instagram
Source: Instagram

Ipinagmalaki niyang si EJ ay marunong sa gawaing bahay, madiskarte at loyal. Aniya sa panahon ngayon ay mas mahalaga ang katangiang ito kaysa sa puro paganda at kaartehan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa ginawang ito ni Bugoy:

Swerte ng mga babaeng may partner na ganyan ang mindset. ibang lalaki sisiraan ka pa dikana pinrotektahan sisiraan ka pa makuha lang nya ang babaeng gusto nya.
Aanhin mo ganda kung asa lang sa asawa. Tama yan bugoy mahalaga madiskarte misis mo at nag tutulungan kayo.
BOOM! matamaan sana kayong lahat BULLY pa kase just remember di yung pagandahan at pa guwapuhan ang makakapag bigay ng maganda at mabuting buhay sa inyo.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon ng dalawa dahil sa agwat ng kanilang edad lalo noong nag-uumpisa pa lamang silang iugnay sa isa't-isa.

Read also

Karen Bordador, emosyonal na binalikan ang buhay kulungan; "May bukas pa ba?"

Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Matatandaang nagsalita din si EJ tungkol sa lumabas na balita tungkol sa umano'y pagbubuntis niya.

Hindi naman itinago nina Bugoy at EJ ang kanilang relasyon sa publiko sa kabila ng agwat ng kanilang edad. Sa katunayan, nag-viral ang isang video ng magkasintahan kung saan kinakantahan ni Bugoy si EJ.

Marami naman ang nagulat nang isapubliko nina Bugoy at Ej ang tungkol sa kanilang anak na si Scarlet.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel