Karen Bordador, emosyonal na binalikan ang buhay kulungan; "May bukas pa ba?"

Karen Bordador, emosyonal na binalikan ang buhay kulungan; "May bukas pa ba?"

- Naging emosyonal si Karen Bordador ng PBB Kumunity Season 10 nang ipinakwento sa kanya ni Kuya ang buhay kulungan

- Idinetalye ni Karen ang mga nangyari sa kanya mula nang siya'y mabilanggo ng limang taon

- Pati na rin ang mga natutunan niya habang siya ay nasa loob kasama na rin ang mga napagtanto niya lalo sa pakikisalamuha sa ibang tao

- Hinanggaan naman siya ni Kuya sa katatagang ipinakita niya hanggang siya ay tuluyan nang makalaya nito lamang Agosto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilang maluha ni Karen Bordador habang inilalahad niya kay Kuya ng Pinoy Big Brother house ang kanyang karanasan noon bilang 'Person deprived of Liberty'.

Nalamang ng KAMI na ipinakuwento sa kanya ni Big Brother ang mga pinagdaanan niya mula nang makulong siya noong 2006.

Read also

Lovely Abella, binalikan ang karanasan nila ni Benj Manalo noong walang-wala pa sila

Karen Bordador, emosyonal na binalikan ang buhay kulungan; "May bukas pa ba?"
Karen Bordador /Photo: (@karen_bordador)
Source: Instagram

"Lahat ng nagpapasaya sa'yo sa labas, lahat ng mga nagmamahal sa'yo sa labas, lahat ng meron ka na pinaghirapan mo sa labas... Hindi mo 'yun madadala sa loob, papasok ka nang walang-wala," naluluhang pahayag ni Karen.

Labis na naging emosyonal si Karen habang binabalikan ang kanyang naramdaman noon bilang isang bilanggo na minsan ding nawalan ng pag-asa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, sinisikap niya araw-araw na patatagin at kumbinsihin ang sarili na may katapusan din ang mga 'harang' at 'hadlang' sa mga nakatengga niyang pangarap dahil siya'y nakakulong lamang.

"Sa utak mo, gagawa ka ng paraan para lang maisip mo na itong harang na 'to, may katapusan"
"Bawat araw, pinapaalala ko sa sarili ko kung sino ako at sino 'yung taong gusto kong maging."

Binigyan din siya ng pagkakataon ni Kuya na ipaliwanag bakit nga ba siya nakulong hanggang sa na-acquit nito lamang Agosto.

Read also

K Brosas, makailang beses na naiyak habang ikinukwento ang buhay niya

"I visited my ex at that time. Let's just say that I was there at the wrong place, at the wrong time,"
"And sa 30 seconds na duration ng pagpasok ko, biglang meron po palang magaganap,"
"So kasama na ako, nalagay na po ako sa detention cell, tapos sa city jail. Malas lang talaga 'pag mangyari sa'yo yun."

Aminado si Karen na nagkaroon din ito ng epekto sa kanyang pamilya. Subalit ipinagpapasalamat naman niya ang buong suporta na ibinigay nila sa kanya.

Napakarami rin umanong natutunan sa buhay si Karen habang nasa loob ng kulungan at isa na rito ang pagiging positibo sa kabila ng mga nangyayari sa kanya sa loob.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa PBB Kumunity Season 10 Highlights:

Si Karen Bordador ay unang nakilala bilang DJ Karen ng RX 93.1 Monster Radio. Isa rin siyang aktres at modelo.

Isa siya ngayon sa mga celebrity housemates ng Pinoy Big Brother Season 10 Kumunity kasama sina Brenda Mage, Madam Inutz at Alyssa Valdez.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel