Lovely Abella, binalikan ang karanasan nila ni Benj Manalo noong walang-wala pa sila

Lovely Abella, binalikan ang karanasan nila ni Benj Manalo noong walang-wala pa sila

- Sa kanyang Facebook post ay inalala ni Lovely Abella ang mga panahong wala pa silang mga napundar ng kanyang mister na si Benj Manalo

- Aniya noong wala pa itong pera, kanin at sabaw lamang ang kanyang kinakain at si Lovely ang pinapakain niya ng manok

- Kaya naman, nang mabiyayaan sila ng mas maayos na buhay dahil na rin sa kanilang pagsisikap hindi nila kinakalimutan ang makontento sa kung ano ang meron sila

- Pinayuhan niya rin ang mga netizens na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay dahil kung sila nga ay kinayang umahon kahit noon ay walang-wala din umano sila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napa-throwback si Lovely Abella sa pagkaing naging mahalagang parte ng nakaraan nila ng kanyang mister na si Benj Manalo. Aniya, noong mga panahong walang-wala pang pera si Benj, hindi umano ito kumakain hangga't hindi pa nag-oorder si Lovely.

Read also

Tricycle driver, niregaluhan ng kanyang mga anak ng bahay, lupa at kotse

Lovely Abella, binalikan ang karanasan nila ni Benj Manalo noong walang-wala pa sila
Benj Manalo and Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)
Source: Instagram

Kanin at sabaw lamang ang kanyang kinakain at si Lovely ang pinapakain niya ng manok. Kaya umano naging paborito din nila ang resto na kanilang binanggit dahil sa sabaw pa lang at kanin ay nakakabusog na.

Nagtataka ako laging madaming sabaw 2 cup of rice ang order niya, yun pala para mabusog lang siya dahil di niya alam kung kelan nanaman ang susunod na kain niya
Kaya naging paborito namin ang Mang inasal dahil kahit walang manok busog ka sa sabaw nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ani Lovely, sa kabila ng kanilang tinatamasa, hindi nila kinakalimutan ang makontento.

Sa lahat ng naachieve naming mag asawa isa ang pilit naming pinapairal ang Contentment, makontento tayo sa kung ano lang ang meron tayo, lalo na hindi biro kitain ang pera.

Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo.

Read also

LJ Reyes, sinabing hindi na nagparamdam si Paolo Contis sa kanilang mag-iina

Matatandaang nag-viral kamakailan ang ibinahagi ni Lovely na screenshot ng pag-uusap nilang mag-asawa kung saan binigyan siya ng asawa ng P200,000 matapos siyang dumaing na masama ang kanyang pakiramdam.

Naging usap-usapan din ang kanilang bagong bahay na ipinapatayo na mula sa kanilang pag-o-online selling.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel