Lovely Abella, ibinida ang pagiging galante ng kanyang asawa
- Ibinahagi ni Lovely Abella ang screenshot ng pag-uusap nila ng kanyang asawang si Benj Manalo
- Makikita dito kung gaano nag-alala ang asawa niya sa kanya matapos niyang sabihan itona hindi maganda ang pakiramdam niya
- Pinagpapahinga nito si Lovely at nagsabing magpapadala siya ng P200,000 sa bangko ng asawa
- Tila naman gumada ang paliramdam ng TV host nang makita ang screenshot ng transaction details ng pagpapadala ng asawa niya ng pera sa kanyang bangko
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami sa mga netizens ang napa-sana all sa ibinahaging conversation ni Lovely Abella sa kanyang Facebook account.
Ibinahagi ng TV host ang screenshot ng pag-uusap nila ng kanyang mister na si Benj Manalo.
Base sa kanyang pinadalang mensahe kay Benj,, hindi umano maayos ang kanyang pakiramdam. Pinagpapahinga naman ito ni Benj at sinabihang uminom na ng gamot para sa kanyang allergy at papadlhan umano siya nito ng P200,000 sa bangko niya.
Tila hindi pa kumbinsido si Lovely ngunit, tila gumanda ang kanyang pakiramdam nang makita niya ang pinadalang screenshot ng transaction details ng pagpapadala ng asawa niya ng pera sa kanyang bangko.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Share ko lang sa inyo, maganda talaga ang magsabi ng totoo sa mga asawa natin, hahahahaha.. Excited talaga akong magwork today!!! Thank you babe Donbie Manalo Love you!!!
Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo.
Matatandaang inalmahan ni Lovely ang pambabatikos ng ilang fans ng KathNiel matapos niyang ibahagi na nanggaling kay Kathryn Bernardo ang isinuot niyang wedding gown.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pagpapalagay na ang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh