LJ Reyes, sinabing hindi na nagparamdam si Paolo Contis sa kanilang mag-iina

LJ Reyes, sinabing hindi na nagparamdam si Paolo Contis sa kanilang mag-iina

- Isa sa naitanong kay LJ Reyes sa panayam ng TV host na si Boy Abunda ay kung nagparamdam na si Paolo Contis sa kanya

- Ani LJ ay wala pa rin itong naging mensahe o paramdam sa kanya o kanilang anak mula nang pumunta na sila sa America

- Aminado ang aktres na pinagdadasal niyang mapatawad niya na ang dating karelasyon dahil ayaw niyang magkimkim ng galit

- Nilinaw niya rin na taliwas sa mga nasabi ng publiko na prinotektahan niya si Paolo dahil sa kanyang mga pahapyaw na pahayag sa unang panayam, ang mga anak niya umano ang kanyang prinoprotektahan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Diretsahang sinabi ni LJ Reyes na wala pang paramdam si Paolo COntis sa kanila mula nang pumunta na sila sa Amerika kasunod ng kanilang paghihiwalay. Hindi pa niya masabing napatawad niya na ang aktor ngunit pinagdadasal niya umanong makapagpatawad na siya dahil ayaw niyang magkimkim ng galit.

Read also

LJ Reyes, inamin na dumarating pa rin ang pagkakataon na naiiyak siya

LJ Reyes, naibahagi na hindi na nagparamdam si Paolo Contis sa kanilang mag-iina
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Nilinaw niya rin na taliwas sa mga nasabi ng publiko na prinotektahan niya si Paolo dahil sa kanyang mga pahapyaw na pahayag sa unang panayam, ang mga anak niya umano ang kanyang prinoprotektahan. Ayaw din daw niyang magsalita nang patapos tungkol sa tanong na babalik pa ba siya at mag-aartista sa Pilipinas. Aniya, hindi niya pa alam kung anong mangyayari kaya ayaw niya munang magsabi kung ano ang kanyang plano.

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyessa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tangahaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng GMA StarStruck.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Matapos ng kanilang paghihiwalay ni Paolo Contis, pumunta si LJ kasama ang dalawang mga anak na sina Aki at Summer sa America kung nasaan naroon ang pamilya ni LJ.

Read also

Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"

Naging usap-usapan ang aktres matapos niyang dumalo sa Fashion week kung saan marami ang humanga sa kanyang kagandahan. Kinagiliwan din ang workout video nila ng anak niyang si Summer.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel