LJ Reyes, inamin na dumarating pa rin ang pagkakataon na naiiyak siya

LJ Reyes, inamin na dumarating pa rin ang pagkakataon na naiiyak siya

- Kahit mas kalmado na sa panibagong panayam sa kanya ni Boy Abunda, aminado si LJ Reyes na hindi pa rin madali ang kanyang pinagdadaanan

- Ani LJ, ayaw niya sanang mag-share ng mga bagay-bagay kaugnay sa kanyang pinagdadaanan ngunit dahil gusto niya ring makatulong sa kagaya niya mas pinili niyang ibahagi ang kanyang dinaranas

- Aniya ay dumadating pa rin ang oras na naiiyak siya at sa tingin niya ay malayo pa ang kanyang tatahakin para tuluyang makapag-move on

- Pinasasalamatan ni LJ ang suportang kanyang natatanggap hindi lamang mula sa mga tagasuporta at tagahanga niya kundi mula sa kanyang pamilya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kahit ayaw niya na sanang magbahagi ng kanyang mga pinagdadaanan, mas pinili ni LJ na i-share ang kanyang mga karanasan habang unti-unti siyang bumabangon sa pagkakalugmok. Aniya, dahil may mga babaeng parehas ang pinagdadaanan sa kanya, gusto niyang maging inspirasyon sa kanila.

Read also

LJ Reyes, sinabing hindi na nagparamdam si Paolo Contis sa kanilang mag-iina

LJ Reyes, inamin na dumarating pa rin ang pagkakataon na naiiyak siya
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Inamin ni LJ na dumarating pa rin sa kanya na naiiyak siya. Alam niya umanong magiging matagal at mahirap pa ang kanyang tatahakin patungo sa tuluyan nang pag momove on ngunit kumakapit umano siya sa dasal. Aniya, minu-minuto siyang nagdadasal dahil sa kanyang nararamdaman.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyessa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tangahaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng GMA StarStruck.

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Matapos ng kanilang paghihiwalay ni Paolo Contis, pumunta si LJ kasama ang dalawang mga anak na sina Aki at Summer sa America kung nasaan naroon ang pamilya ni LJ.

Naging usap-usapan ang aktres matapos niyang dumalo sa Fashion week kung saan marami ang humanga sa kanyang kagandahan. Kinagiliwan din ang workout video nila ng anak niyang si Summer.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel