Kalunos-lunos ang nangyari sa isang sanggol sa loob ng sinasakyang barko

Kalunos-lunos ang nangyari sa isang sanggol sa loob ng sinasakyang barko

- Nakapanlulumo ang nangyari ng isang mag-anak sa sinasakyang barko galing Cebu patungong Manila.

- Tumatawa at nakikipaglaro pa ang 4-month old baby ng mag-asawa habang bumibyahe sila sa karagatan.

- Ngayon, ay sinisigaw na nila 'JUSTICE FOR MY BABY ANGELO' dahil ang akala nilang mapayapang paglalayag ay naging isang napakasamang trahedya na hinding-hindi nila makakalimutan kailan pa man.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang napakalungkot na kwento ang nabasa ng KAMI sa Facebook page ng 'OFW Kalingawan.'

Binahagi ng isa sa mag-anak ang nakakapanlulumong pangyayari sa kanilang apat na buwan nilang sanggol na anak.

Ang kalunos-lunos na pangyayari ay nakakuha ng pansin ng libu-libong netizens sa social media dahil nakakalungkot na pangyayari na pwede pa sanang maiwasan.

Ito si baby Angelo na nagpaluha ng maraming netizens sa Facebook dahil sa nakakalungkot at nakakapanlumo na nangyari sa batang anghel.

Ayon sa kwento ng isa sa kanyang mga magulang, sumakay daw silang mag-anak sa barkong '2Go SFX3' noong gabi May 26, 2017, Sabado, galing Cebu patungong Manila.

Noong gabing yun daw ay masaya pa silang mag-anak at may mga trabahante pa nga daw doon na nilalaro ang kanilang anak na talagang sobra-sobrang tuwa ng baby nila.

Pero noong umaga daw ng 7 a.m. ay napansin na lang nila na nagsusuka na ang kanilang baby Angelo at noong pinadede nila ay nagtatae daw.

Kaya walang pagdalawang isip silang pumunta agad-agad sa clini ng barko para macheck-up si baby at malaman kung ano ang kalagayan ng anak nila.

Pero laking dismaya daw nila dahil nung kinausap nila ang doktor, ang sabi daw ng nasabing manggagamot ay hindi sya pedia at wala daw itong alam sa pedia.

Sabi naman ng isa sa magulang ni Baby Angelo sa naturang doktor na kahit gamot lang daw pero ang sagot daw naman ng doktor ay wala daw silang gamot na sinasabi niya at iyon na ngay sinasabi na wala siyang alam sa pedia.

Sinabihan na lang sila na hintayin na lang daw dumaong ang barko pero ayon naman sa magulang ni Angelo ay gabi pa ng 7 p.m. dadaong ang barko sa Manila.

Kaya malungkot na bumalik ang mag-asawa sa loob ng kwarto nila na positibo ang isip na hindi naman grabe ang nararamdaman ng baby nila.

Pero noong nasa loob daw sila, nagtatae parin ang baby nila.

Pinatulog na lang daw nila si baby Angelo baka daw paggising ay maging okay na ang pakiramdam nito pero hindi ito nangyari.

Kahit anong karga, hele, at pasyal nila sa sanggol ay nagsusuka pa rin daw ang kanilang anak.

Kaya naman ay bumalik sila sa clinic para makausap daw ang nasabing doktor na naman at nakita din daw umano ng doktor kung paano nagsusuka at nagtatae si baby Angelo pero wala daw aksyon diumano ginawa ang doktor.

Kahit temperature man lang daw ay walang aksyon diumano'y ginawa ang nasabing doktor.

Nalungkot ang mag-asawa dahil daw kahit first aid man lang ay diumano'y wala daw naibigay at nailunas.

Kaya naman ay bumalik na lang daw sila sa kwarto nila para patulugin na lang daw ang anak nila at ginawa nga nila ang lahat ng klaseng paghehele pero ayaw pa ring matulog si baby Angelo.

Sa halip daw ay nagtatae na naman ang sanggol at unti-unting lumalalim daw ang mata ng baby at dahil dito ay madaling lumabas ang mag-asawa para hanapin ang doktor.

9 a.m. na daw iyon at pang apat na beses na daw silang pabalikbalik ng asawa niya bago daw nila natagpuan ang nasabing doktor.

Diumano'y na sa salon daw ang doktor nagpa-spa sa paa, kaya naman daw ay doon nila dinala ang baby.

Ayon pa sa salaysay nila, nagulat daw lahat ng empleyado ng salon dahil putlang putla na daw ang baby nila kay ang mga taga-salon daw ang nag-assist sa kanila.

Pero ang nasabing doktor daw ay diumano'y hindi tumayo at tiningnan ang kanilang anak at sa halip daw ay nagce-cellphone lang daw umano ito.

Buti naman lang daw at parang bumuti ang pakiramdam ni baby Angelo pagkatapos nilagyan ng manzanilla ng taga-salon.

Pero hindi pa rin daw makatulog ang sanggol at sa halip ay nagtatae daw ito at umiitim na ang eyebags ng baby at grabe na daw kaputla ang baby.

At 3 p.m., bumalik na naman daw sila sa clinic dahil mahinanghina na si baby Angelo at mga 4 p.m. daw ay may dumating na nurse na lalong nakadismaya daw sa kanila kasi hindi nila alam may nurse pala at tinawag lang daw ito ng doktor diumano'y noon naghihingalo na ang baby nila.

Pero kahit daw ganun ay wala pa rin daw silang first aid na nakuha.

Dehydrated na daw ang baby nila at noong 5pm na ngay hindi na daw masyadong humihinga si baby Angelo at diumano'y doon lang daw nataranta ang doktor.

At sa halip daw ang doktor ang mag-utos, ang nurse daw ang diumanoy' nag-utos sa doktor na kung ano ang kukunin at ano daw ang gagawin, ayon sa salaysay ng mag-anak.

Ang sakit-sakit daw isipin ng halos 6 p.m. daw ay hindi na humihinga si baby Angelo at binawian na nga ng buhay.

At sa pagtatapos nya:

"Ang ikinagagalit lang namin kasi kung may first aid lang sana cguro nakarating pa kami sa manila na buhay yung baby namin lumalaban kasi baby namin kahit.mahina na na sya dumedede parin xia.....kaya i want justice for the death of my baby...FIRST AID AT ASSISTANCE lang sana yung need namin pero d na provide sa staff nang barko.......ang sakit at hirap mamatayan nang anak.....ang hirap tanggapin."

Marami ang galit at napaiyak sa kwento ni Baby Angelo na kaya naman ay nagviral talaga ang 'JUSTICE FOR MY BABY ANGELO' na FB post na ito.

Nakakalungkot isipin na nangyari ito sa isang batang anghel.

Our condolences sa pamilya. Sana nga ay mahanap na nila ang hustisya na hinihingi nila.

Visit BeKami YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin

Online view pixel