Cristy sa pag-file ng annulment ni Raymart sa kasal nila ni Claudine; "Siguro gusto niyang pakasalan si Jodi"

Cristy sa pag-file ng annulment ni Raymart sa kasal nila ni Claudine; "Siguro gusto niyang pakasalan si Jodi"

- Naibahagi nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine Barretto

- Siinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine

- Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymert na pakasalan si Jodi Sta. Maria

- Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa talakayan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! napagkwentuhan nila ang umano'y pag-file ng annulment ni Raymart Santiago sa kasal nila ni Claudine Barretto.

Cristy sa pag-file ng annulment ni Raymart sa kasal nila ni Claudine; "Siguro gusto niyang pakasalan si Jodi"
Raymart Santiago (@raymartsantiago)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na mismong si Raymart na ang nag-asikaso gayung 2013 pa nang tapusin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Ani Cristy, tila may pinaplanong mas maganda na para sa kanyang buhay ang aktor kaya naman nais na rin niyang masarhan ng maayos ang kabanata ng naging relasyon nila ni Claudine.

"'Yung paglalabas ng pera, kapag makabuluhan, hindi 'yan pagsisisihan. Kumbaga si Raymart matipid, marunong sa paghawak ng pananalapi pero mamumuhunan siya dito sa pagpapawalang -bisa ng kasal nila ni Claudine. dahil may plano siyang napakaganda sa kanyang kinabukasan," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Marami kasi ang nag-uusap usap na kaya si Raymart na ang nauna, ang tagal na kasi nito e. Siguro 'yung relasyon nila ni Jodi Sta. Maria ngayon, ito na yung pinapangarap niya na magtatagal," dagdag pa ni Cristy.

"Siguro gusto niyang pakasalan si Jodi at bumuo sila ng isang masayang pamilya," naibulalas ni Cristy na todo puri rin ang pagiging tahimik lamang ni Jodi pagdating sa kanyang mga nagiging karelasyon.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel