Sachzna Laparan, aminadong nasasaktan sa mga lumabas na isyu

Sachzna Laparan, aminadong nasasaktan sa mga lumabas na isyu

- Inamin ni Sachzna Laparan na apektado siya sa lumabas na isyu matapos ang nasabi ni Zeinab Harake sa kanyang live video

- Kaugnay ito sa malapit niyang kaibigang si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl na ayon kay Zeinab ay may nasabi din tungkol kay Sachzna

- Hindi naman umano siya masyadong nasaktan sa sinabi ni Zeinab na wala naman siyang mapapala kung makikipag-collab siya kay Sachzna dahil totoo naman umano ito

- Gayunpaman, hindi din umano malapit ang loob niya kay Zeinab dahil may nasasabi din ito laban sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Sachzna Laparan ay nagsalita din sa kanyang social media account kaugnay sa pagkakadawit sa pangalan niya sa isyu nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino. Aminado siyang nasasaktan siya lalo sa sinabi ni Zeinab na may nasasabi din si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl laban sa kanya.

Read also

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

Sachzna Laparan, aminadong nasasaktan sa mga lumabas na isyu
Sachzna Laparan, aminadong nasasaktan sa mga lumabas na isyu (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Aniya, totoo naman din na walang mapapala si Zeinab kapag nakipag-collab ito sa kanya kaya hindi siya ganoon ka apektado sa sinabi ni Zeinab tungkol sa kanya. Gayunpaman, hindi din umano malapit ang loob niya kay Zeinab dahil may nasasabi din ito laban sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Zeinab Harake ay isang kilalang social media influencer at sikat na YouTube content creator na mayroong milyon-milyong subscribers. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab noong Father's Day at binahagi niya ito sa kanyang IG stories. Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana. Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator. Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia at ang adopted son na si Lucas.

Nitong Father's Day ay sinabi ni Zeinab na saludo siya sa mga kapwa niya nanay na aniya ay nagpapaka-tatay sa kanilang mga anak. Kaya naman, isang pagbati ang binahagi ni Zeinab sa mga kagaya niyang single mom sa pamamagitan ng isang tweet. Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa kanyang mga followers na sumuporta sa kanya lalo na nang isapubliko niya ang paghihiwalay nila ni Skusta Clee.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel