Zeinab Harake, nakatanggap ng mga pagbati sa Araw ng mga Ama

Zeinab Harake, nakatanggap ng mga pagbati sa Araw ng mga Ama

- Sa Araw ng mga Ama, marami sa mga netizens ang bumati kay Zeinab Harake at binahagi niya ito sa kanyang IG stories

- Marami sa mga ito ang pagbati sa kanyang pagtayo bilang ama sa anak niyang sina Lucas at Zebbiana

- Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tunkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator

- Kasalukuyang nasa pangangalaga niya ang anak na si Bia atr ang adopted son na si Lucas

Marami ang bumati kay Zeinab Harake ng "Happy Father's Day" sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ama. Binahagi niya ito sa kanyang Instagram stories.

Zeinab Harake, nakatanggap ng mga pagbati sa Araw ng mga Ama
Zeinab Harake, nakatanggap ng mga pagbati sa Araw ng mga Ama (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Marami sa mga pagbati na ito ay nagbanggit tungkol sa pagtayo bilang nanay at tatay sa kanyang anak.

Read also

Annabelle Rama, hindi napigilan ang emosyon nang maalala ang mga apo

Matatandaang simula nang isapubliko ni Zeinab ang tunkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee ay bumuhos ang suporta sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kapwa niya social media influencer at content creator.

Binahagi niya rin ang IG story mula sa account ng anak na si Zebbiana. Magkasama silang mag-ina sa picture na binahagi sa IG story ni Bia.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mensahe naman niya para sa anak na hindi niya siya magsasawang mahalin at ipaglaban ito.

Mahal na mahal kita. Di ako magsasawang mahalin ka, alagaan ka at ipaglaban ka.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Bugoy Cariño, inaming mas malaki ang kinikita ngayon sa FB streaming

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zeinab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis. Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Sa kanyang guesting sa isang music festival kamakailan, nanindigan si Zeinab na hindi na siya marupok matapos siyang prangkang sinabihan ng isa sa mga audience na huwag nang maging marupok. Aniya, i-unsubscribe na siya pag naging marupok pa siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel