Zeinab Harake, pinanindigang hindi na umano siya marupok

Zeinab Harake, pinanindigang hindi na umano siya marupok

- Si Zeinab Harake ang surprise guest performer sa ginanap na Aurora Music Festival na talaga namang pinag-usapan

- Isa sa mga performer sa naturang music festival ay ang ex ni Zeinab na si Skusta Clee na nakatanggap ng hindi kaaya-ayang reaksiyon mula sa audience

- Sa mismong event, prangkang sinabihan ng isa sa mga audience ang YouTuber na huwag nang maging marupok

- Sinagot ito ni Zeinab na hindi na siya marupok at aniya, pag naging marupok pa siya ay i-unsubscribe na siya ng mga subscribers niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanindigan si Zeinab Harake na hindi na siya marupok matapos siyang prangkang sinabihan ng isa sa mga audience na huwag nang maging marupok. Aniya, i-unsubscribe na siya pag naging marupok pa siya.

Zeinab Harake, pinanindigang hindi na umano siya marupok
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Si Zeinab ang surprise guest performer sa ginanap na Aurora Music Festival na talaga namang pinag-usapan matapos ang kontrobersiyal na performance ng kanyang ex na si Skusta Clee.

Read also

Content creator na si MG kay Angelica Yap: "Basta walang bawian ng salita ha?"

Matapos niyang ibahin ang lyric ng kantang Zebbiana ay nakatanggap si Skusta Clee ng hindi kaaya-ayang reaksiyon mula sa audience. Ito ay dahil sa isyung kinasasangkutan nito matapos nilang maghiwalay ni Zeinab.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagpost din ito ng picture kasama ng babaeng iniuugnay sa kanya na isang TikToker kaya lalo siyang na-bash lalo na ng mga fans ni Zeinab. Gayunpaman, sa kanyang IG story ay sinabi ni Skusta na wala siyang patunayan kahit kanino man basta kilala umano siya ng mga taong nagmamahal at nakapaligid sa kanya.

Lalong pinag-usapan ang rapper matapos nitong maglabas ng bagong kanta kasama ang kapwa Ex-B member niyang si Flow G.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

CEO ng Brilliant Skin, nanindigang hindi bibitawan si Andrea Brillantes

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zeinab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel