Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

- Naitanong kay Alden Richards kung ano ang kanyang reaksiyon sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Inunahan niya na ang mga press people na hindi siya magkokomento tungkol sa mainit na isyung ito

- Aniya ang kanyang pananahimik sa isyu ay kanyang paraan ng pagpapakita ng respeto sa dalawa

- Sa posibilidad naman na sila ni Kathryn na lang ang magtambal, tipid at limitado din ang kanyang sagot dahil aniya ay iwas siya at baka siya ang ma-bash

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Alden Richards na kagaya sa karamihan ay nagulat din siya sa KathNiel breakup. Gayunpaman, sa panayam na naibahagi sa StarsPhotog Vidz YouTube channel, inunahan niya na ang media people na hindi na siya magkokomento tungkol dito.

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"
Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"
Source: Youtube
Nagulat po ako pero unahan ko na po kayo. Hindi po ako magco-comment sa kahit anong questions about (sa isyu)

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

Aniya ang kanyang pananahimik sa isyu ay kanyang paraan ng pagpapakita ng respeto sa dalawa.

Ako po, parang respeto ko nalang po sa kanilang dalawa if I just keep quiet po with this issue.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kahit sa mga nag-uudyok na magtambal na lang sila ni Kathryn ay ayaw pa rin daw niya mag-comment.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Read also

Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel