Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup

Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup

- Binahagi ni Jerald Napoles ang video kung saan makikitang tila naiiyak ang girlfriend niyang si Kim Molina

- Hawak nito ang kanyang cellphone at nanonood ng video nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Naka-relate naman ang mga netizen sa pag-iyak ni Kim at sinabing pati sila ay naluha sa hiwalayan ng dalawa

- Sa pagkumpirma nga ng dalawa na hiwalay na sila, marami sa mga taga-showbiz ang nasaktan din lalo at nagtagal sila ng 11 years

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Kim Molina sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa video na binahagi ng boyfriend niyang si Jerald Napoles, makikita si Kim na nakahiga at naiiyak na habang pinapanood ng video ng KathNiel.

Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup
Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup
Source: Facebook

Naka-relate naman ang mga netizen sa pag-iyak ni Kim at sinabing pati sila ay naluha sa hiwalayan ng dalawa. Narito ang ilan sa mga komento:

Read also

Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self-love

Same reaction, Ms. @kimsmolina Ganyan na ganyan ako ngayon habang nagbabasa ng mga article at tweets hays. Paano pa kaya yung @KaDreamersWorld ? Hugs sa lahat ng mga supporter ng KathNiel mapa-silent fan na katulad ko o hindi. Praying sa healing at acceptance
Feel u so much, Yun half life m kasama m ang Kathniel, pinangalan m pa s anak m Tapos eto tau break

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Grabi din yung iyak ko grabi grabi mas na broken pa ako dito kaysa paghihiwalay namin nang asawa ko.

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

Ogie Diaz kina Kim at Xian: "Ang nakarating sa atin 'e yung ikalulungkot ng mga fans"

Kabilang sina Kathryn at Daniel sa mga guests sa kasalang Cathy Garcia-Molina-Louie Sampana. Sa reception ay si Kathryn ang nakasalo ng bouquet na inihagis ng bride. Naibahagi ni Janus del Prado ang video ng pagsuot ni Daniel ng garter sa binti ni Kathryn. Kinantiyawan si DJ na itaas pa ang garter ngunit aniya ay mataas na raw ang pagkakasuot nito.

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Kathryn ang post ng aktres kung saan ibinahagi niya ang kanyang picture. Aniya, kuha ito sa set ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang 'A Very Good Girl.' Agad itong nag-viral at umani ng mga papuri at positibong komento. Marami ang humanga sa ganda ni Kathryn at may mga naghayag ng kanilang pagsuporta kay Kathryn.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel