Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self-love

Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self-love

- Nagbahagi si Kyline Alcantara ng isang quote card sa kanyang Instagram post

- Ang mensahe na kanyang binahagi ay tungkol sa pagmamahal sa sarili na aniya ay hindi nakakalunod

- Dahil dito ay maraming nagtatanong sa kanya kung chapter closed na rin daw ba yung sa kanila ni Mavy Legaspi

- Sa kabila ng mga lumabas na usap-usapan ay parehas na binahagi ni Mavy at Kyline ang video ng isang advertisement kung saan magkasama sila at sina Bianca Umali at Ruru Madrid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpost si Kyline Alcantara ng isang makahulugang quote tungkol sa self-love. Ito ay sa gitna ng intrigang hiwalay na raw sila ni Mavy Legaspi.

Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self love
Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self love
Source: Instagram
“Self-love is the only ocean you can never drown in. The deeper you dive in, the more your lungs fill with air.”

Read also

Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup

Dahil sa post niyang ito ay marami ang nagtanong kung chapter closed na rin daw ba sila ni Mavy Legaspi.

Wala pang inilababas na pahayag ang magkabilang kampo kaugnay sa lumabas na bali-balita ngunit nitong nakaraang mga araw ay naging palaisipan ang mga cryptic post ng aktres na ayon sa mga netizens ay tila hugot sa paghihiwalay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng mga lumabas na usap-usapan ay parehas na binahagi ni Mavy at Kyline ang video ng isang advertisement kung saan magkasama sila at sina Bianca Umali at Ruru Madrid.

Si Kyline Alcantara ay isang actress, singer, dancer, television host, advocate at endorser. Ilan sa mga seryeng kinabilangan niya ay Annaliza (2013) at Kambal, Karibal (2017). Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars noong 2010.

Read also

Sofia Andres, usap-usapan dahil sa kanyang IG stories

Matatandaang naging guest sa It's Showtime kamakailan si Kyline. Ipinamalas ni Kyline ang husay niya sa pagsasayaw sa pamamagitan ng isang opening number kasama ang Baby Dolls. Naging bahagi din siya ng segment ng "Rampanalo." Ani Kyline, ikalawang guesting niya na iyon sa naturang noontime show.

Kamakailan nga ay naging kontrobersiyal si Kyline matapos ang kanyang naging komento sa TikTok video ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan. Matatandaang ang video na ito ay tungkol sa mga naranasan ni Mariel bilang isang artista na hindi gaanong sikat. Kabilang sa nakwento niya ay ang pagsampal daw sa kanya nang malakas ng kanyang co-star. Dito nagkomento si Kyline ngunit kinalaunan ay binura din ang kanyang komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel