Sofia Andres, usap-usapan dahil sa kanyang IG stories

Sofia Andres, usap-usapan dahil sa kanyang IG stories

- Nagbahagi si Sofia Andres ng picture sa kanyang Instagram stories

- Ibinahagi niya ang picture nila ng kaibigan niyang si Kathryn sa gitna ng mainit na usapin kaugnay sa paghihiwalay nila ni Daniel Padilla

- Kasunod ng picture nila ni Kathryn na kanyang pinost sa IG stories, naging palaisipan sa netizens ang sumunod niyang post

- Isang picture ng bahay at mayroong diamond na nakalagay sa may pintuan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan si Sofia Andres sa kanyang post sa kanyang Instagram stories kasunod ng kumpirmasyon kaugnay sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Bukod sa picture nila ni Kathryn ay may post siya na naging palaisipan sa netizens.

Sofia Andres, usap-usapan dahil sa kanyang IG stories
Sofia Andres, usap-usapan dahil sa kanyang IG stories
Source: Instagram

Kasunod ng binahagi niyang picture kasama si Kathryn Bernardo at Alora Sasam, isang picture ng bahay ang kanyang pinost. Wala namang kakaiba sa kanyang post na ito maliban sa isang emoji ng diamond na nakalagay sa pinto ng bahay.

Read also

Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self-love

Dahil dito ay marami ang nagtanong kung ano kaya ang ibig sabihin ng post na ito ni Sofia. Isa lamang si Sofia sa malalapit na kaibigan ni Kathryn sa showbiz. Nagkasama sila sa pelikulang pinagtambalan nina Kathryn at DJ ang She's dating the Gangster.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sofia Andres ay isang aktres at commercial model. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga palabas kagaya ng She's Dating the Gangster, Relaks, It's Just Pag-Ibig, Forevermore, Pusong Ligaw at Bagani.

Sa pagdiriwang ng ika-3 kaarawan ng anak nina Sofia at Daniel na si Zoe ng Nobyembre at isang birthday party ang kanilang inihanda. Ginanap nila ang party sa Palazzo Verde. Binahagi ni Sofia sa kanyang Instagram post ang pictures na kuha sa dinaos nilang pagdiriwang. Marami sa mga netizens ang natuwa sa binahaging mga pictures ni Sophia.

Matapos mag-post ni Daniel Miranda ng picture nila ng anak na si Zoe Miranda kalakip ng kanyang pagbati, marami ang nagkomento at nagtanong kung bakit hindi nila kasama si Sofia. Kasunod nito ay nag-post din si Sofia ng Christmas photo nilang dalawa ni Zoe at hindi din nila kasama si Daniel. Dahil dito ay lalong naging maugong ang espikulasyong may pinagdadaanan ang kanilang pagsasama. Wala pang nilalabas na pahayag ang magkabilang kampo upang kumpirmahin o pabulaanan ang mga lumalabas na intriga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel