Ogie Diaz kina Kim at Xian: "Ang nakarating sa atin 'e yung ikalulungkot ng mga fans"

Ogie Diaz kina Kim at Xian: "Ang nakarating sa atin 'e yung ikalulungkot ng mga fans"

- Nakarating umano kay Ogie Diaz ang nababalitang hiwalayan ng KimXi

- Ito matapos ding maging kontrobersyal ng sagot ni Kim kay Gretchen Fullido nang mausisa siya tungkol dito

- Ayon kay Ogie, ang nakarating umano sa kanila ay bagay na ikalulungkot ng mga fans

- Hiling niyang, wala sana itong katotohanan o bagay na sana'y maayos pa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tulad ng hiwalayan ng Kathniel, naging matunog din kamakailan ang napapabalitang hiwalay na rin sina Kim Chiu at Xian Lim.

Ogie Diaz kina Kim at Xian: "Ang nakarating sa atin 'e yung ikalulungkot ng mga fans"
Xian Lim and Kim Chiu (@xianlimm)
Source: Instagram

Ayon kay Ogie Diaz, ang balita pa umanong nakarating sa kanila ay bagay na ikalulungkot ng fans ng KimXi.

"Ang nakarating sa atin e yun nga, yung ikalulungkot na balita ng mga fans. So sana, hindi totoo"

Gayunpaman, hiling din ni Ogie na sakaling totoo man ito o hindi, direkta nang sabihin ng magkabilang panig para na rin sa ikatatahimik ng fans ng dalawa.

Read also

Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sana naman direkta na, 'wag yung paligoy-ligoy na statement. Kung kayo pa rin o hindi na. Kung wala na or meron kayong inaayos o tampuhan lang. 'Di ba? Para rin mapanatag ang loob ng mga fans."

Matatandaang minsan nang nausisa ng Showbiz reporter na si Gretchen Fullido si Kim ukol sa kanila ni Xian, bagay na hindi direktang nasagot ng aktres. Aniya, ipaubaya na lamang muna sa kanila ang bagay na ito.

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie D, Mama Loi, Tita Jegs, Ate Mrena at Dyosa Pockoh sa kanilang Showbiz Update YouTube channel:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Read also

Boy Abunda: "Umiyak ako para sa Kathniel as a fan and as a friend"

Sa isang post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel