Boy Abunda: "Umiyak ako para sa Kathniel as a fan and as a friend"

Boy Abunda: "Umiyak ako para sa Kathniel as a fan and as a friend"

- Maging si Boy Abunda ay aminadong naging emosyonal sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Inakala niya umanong maaayos pa ng dalawa ang kung anumang problema na dumating sa kanilang relasyon

- Gayunpaman, humanga rin si Abunda sa kung paano tinapos ng Kathniel ang kanilang 11 taong relasyon na mayroon pa rin di umanong pagmamahal at respeto sa isa't isa

- Isa rin umano siya sa mga rumerespeto sa naging desisyon ng dalawa sa kabila ng hindi na pagbibigay pa ng anumang detalye patungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng pahayag si Boy Abunda patungkol sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na sabay nila halos kinumpirma noong Nobyembre 30.

Boy Abunda: "Umiyak ako para sa Kathniel as a fan and as a friend"
Boy Abunda (Boy Abunda on Facebook)
Source: Facebook

Aminado si Boy na maging siya ay naging emosyonal sa kaganapang ito na gumulantang sa publiko sa kabila ng ilang buwang espekulasyon.

Read also

Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self-love

"I was wrong. Mali ako. I thought they would be able to fix what needed to be fixed. Totoo po yan. Nagdasal ako na sana'y maayos ang dapat maayos. Ang kinalabasan nga ay hindi. Kaya they both issued statements na tapos na ang kanilang relasyon,” pahayag ni Boy.

"I can imagine the pain. The excruciating pain they have to bear now. Si Kathryn, si Daniel, ang KathNiels, ang mga fans."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"And I honor this pain. Umiiyak ako para kay KathNiel... As a fan and friend," dagdag pa niya.

Gayunpaman, nasabi rin ni Abunda na nirerespeto niya ang naging desisyon ng dalawa.

"I don’t know the details that brought them to this decision to separate. I only know the love that they have for each other — a love that prevailed even when they decided to say goodbye," pagpapatuloy nito.

Read also

Ogie Diaz kina Kim at Xian: "Ang nakarating sa atin 'e yung ikalulungkot ng mga fans"

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

At nito lamang Nobyembre 30, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel