Cristy, sa umano'y hiwalayan ng Kathniel: "Galing sa bibig mismo ng ina ni Daniel Padilla"

Cristy, sa umano'y hiwalayan ng Kathniel: "Galing sa bibig mismo ng ina ni Daniel Padilla"

- Matapang na ibinahagi ni Cristy Fermin ang nakarating umanong impormasyon sa kanilang hiwalay na ang Kathniel

- Mismong ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ang nagkumpirma ng balitang ito sa isa niyang kaibigan

- Kung bibilangin, buwan na ang itinagal nito dahil sa pagbabagong ginagawa ni Kathryn

- Gayunpaman, isa pa rin sila umano sa magiging masaya sakaling magkabalikan pa rin ang dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nanindigan umano si Cristy Fermin na hiwalay na real-life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Cristy ukol sa Kathniel: "Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na"
Cristy ukol sa Kathniel: "Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na" (@supremo_dp)
Source: Instagram

Ayon kay Cristy, mismong sang ina ni Daniel na si Karla Estrada ang nagkumpirma nito sa isa sa kanyang kaibigan.

"Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga sina Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?"

Read also

Karla, sa umano'y pasabog ni Cristy ukol sa Kathniel: "Ito po ay walang katotohanan"

Nilinaw naman ni Cristy na ang kanilang mga sasabihin ay posibleng dahilan lamang ng hiwalayang Kathniel at hindi galing mismo kay Karla.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang tanong, kailan ito ipinanganak itong paghihiwalay na ito. Ang sabi ng aking source, bilangin ninyo yung panahon na si Kathryn ay ibang-iba na ang gayak. Nagpapakita na ng skin, nagpapaseksi."
"So kung bibilangin natin 'yun, noon pa ay tapos na... Buwan na ang bibilangin natin"

Gayunpaman, tulad ng marami, umaasa rin sina Cristy na magkakaayos pa rin ang dalawa.

"Malay naman natin, kung magpapahinga lang sila ng ilang panahon, at isang araw ay magigising sila na kailangan pa rin nila ang isa't isa"
"Pero sa ngayon, kailangan niyo pong tanggapin na tapos na ang kanilang relasyon"
"Ang kanilang love team nandiyan pa rin, pero 'yung puntong personal, tapos na 'yun"

Read also

Cristy, sa Kathniel fans: "Pwede bang mag-trending din ang pagso-sorry niyo kay Ogie Diaz"

"At iyan naman po ay nanggaling sa bibig mismo ng ina ni Daniel Padilla"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Matatandaang binalot kamakailan ng kontrobersya ang Kathniel matapos umanong maibahagi ni Ogie Diaz ang kanya umanong nabalitaan sa isang source tungkol kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes. Inulan ito ng batikos na humantong pa sa puntong inakusahan si Ogie na nagpapakalap umano ng fake news.

Samantala, agaw-eksena naman kamakailan ang mga larawan ni Kathryn na dahil sa kanyang kakaibang pananamit. Dahil dito, mas lalong umigting ang bali-balitang hiwalay na umano sila ni Daniel na una raw umanong magbabawal kay Kathryn sa mga ganoong klaseng kasuotan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel