Kim Chiu, kinilig nang todo sa 'pamana' sa kanya ni Maricel Soriano

Kim Chiu, kinilig nang todo sa 'pamana' sa kanya ni Maricel Soriano

- Tuwang-tuwa si Kim Chiu nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano

- Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos

- Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star

- Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinilig si Kim Chiu nang bigyan siya ni Maricel Soriano ng isang sosyaling sapatos na Christian Louboutin ang brand. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Kim Chiu, kinilig nang todo sa 'pamana' sa kanya ni Maricel Soriano
Kim Chiu, kinilig nang todo sa 'pamana' sa kanya ni Maricel Soriano (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Hindi niya maitago ang saya dahil aniya ay magkasukat ang paa nila ng Diamond star. Ang brand na ito ng sapatos ay mamahalin at maituturing na high end. Sa katunayan ay kabilang ito sa mga luxury shoe collection ng ilang mga celebrities kagaya ni Heart Evangelista, KC Concepcion at marami pang iba.

Read also

Vice Ganda, ibinida ang daddy ni Ryan Bang na pinagmaneho sila sa South Korea

Kim Chiu, kinilig nang todo sa 'pamana' sa kanya ni Maricel Soriano
Kim Chiu, kinilig nang todo sa 'pamana' sa kanya ni Maricel Soriano (@chinitaprincess)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim. Naibahagi din ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Read also

Pokwang, nagbabalak na ibenta ang kanilang beach house sa Bataan

Samantala, napa-head stand si Kim sa It's Showtime matapos siyang pasayawin ng kanyang mga co-hosts. Si Jhong Hilario na tinaguriang "sample king" ang nauna at talaga namang lahat ang kanyang co-hosts ay bumilib sa walang kupas na husay ni Jhong sa pagsasayaw. Kinawindang ng kanyang mga kasamahan ang pagtangka nitong mag-head stand dahil nasubsob ng kaunti ang kanyang ulo. Agad naman siyang inalalayan ng kanyang mga co-hosts sa pagtayo matapos ang kanyang performance.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel