Pokwang, nagbabalak na ibenta ang kanilang beach house sa Bataan

Pokwang, nagbabalak na ibenta ang kanilang beach house sa Bataan

- Sa post ni Pokwang, naibahagi niyang plano niyang ibenta ang beach house nila sa Camaya Coast sa Mariveles, Bataan

- Aniya, plano pa lang niya iyon at hindi pa sigurado kung matutuloy ngunit sa kanyang post ay pinakita niya ang iba't-ibang bahagi ng beach house

- Balak niya rin daw na maghanap na lamang ng mabibiling property na nasa bandang Batanggas

- Ito ang bahay na pinupuntahan nila ni Malia at malimit na binabahagi ni Pokwang ang pictures at videos nilang mag-ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Pokwang, plano niyang ibenta ang beach house nila sa Camaya Coast sa Mariveles, Bataan. Sa kanyang Instagram post ay pinakita niya ang iba't-ibang bahagi ng bahay.

Pokwang, nagbabalak na ibenta ang kanilang beach house sa Bataan
Pokwang, nagbabalak na ibenta ang kanilang beach house sa Bataan (@itspokwang27)
Source: Instagram

Nilinaw niyang plano pa lamang niya ito at baka maghanap na lang daw siya sa bandang Batangas. Hati naman ang opinyon ng mga netizens sa naturang post.

Read also

Jennica Garcia, naikwento ang ilang buwang walang aircon: "Nasisira kasi pinipilit ko"

May mga sumang-ayon sa kanya at meron ding nagpayo na huwag niyang pakawalan iyon dahil tataas pa raw ang value nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang isyu ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel