Pokwang at Lee O'Brian, hiwalay na noong Nobyembre pa ayon kay Ogie Diaz

Pokwang at Lee O'Brian, hiwalay na noong Nobyembre pa ayon kay Ogie Diaz

- Hiwalay na sina Pokwang at ang partner niyang si Lee O'Brian ayon kay Ogie Diaz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update

- Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu

- November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee

Kinumpirma ni Ogie Diaz na tuluyan nang nagkahiwalay sina Pokwang at Lee O'Brian. Sa kanyang YouTube channel na Showbiz Update, naibahagi ni Ogie na November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa.

Pokwang at Lee O'Brian, hiwalay na noong Nobyembre pa ayon kay Ogie Diaz
Pokwang at Lee O'Brian, hiwalay na noong Nobyembre pa ayon kay Ogie Diaz (@itspokwang27)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Cong. Rowena Guanzon, idinetalye sa channel ni Ogie Diaz ang ukol sa isyu kay Ruffa Gutierrez

Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang videos. Matapos nga lumabas ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu.

Sa kasalukuyan ay nakabukod ng tirahan si Lee ngunit nagbabantay pa rin umano ito sa anak nila kapag may trabaho si Pokwang. Para naman kay Pokwang, ang mahalaga ay naghiwalay silang hindi nagkasamaan ng loob at tuloy lang sila sa kanilang co-parenting sa anak na si Malia.

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer, at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Read also

Pokwang, ibinida ang bagong packaging ng kanyang binebentang produkto

Madalas na ibahagi ni Pokwang ang nakakaaliw na video ng anak na si Malia sa kanyang Instagram account. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay. Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Sa kanilang pagbabakasyon sa Boracay, naibahagi ni Pokwang na nagkataong nagkita sila ni Andrew E. Aniya, sa huli ay nanaig ang respeto nang maganap ang pagkita nila kasama ang pamilya niya. Ito ay sa kabila ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo na kanilang sinuportahan nitong nakaraang halalan. Matatandaang kamakailan lang ay pinagdiwang nila sa Boracay ang kaarawan ng anak niyang si Mae Subong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel