Pokwang, binahagi ang tungkol sa pagkikita nila ni Andrew E.

Pokwang, binahagi ang tungkol sa pagkikita nila ni Andrew E.

- Sa kanilang pagbabakasyon sa Boracay, naibahagi ni Pokwang na nagkataong nagkita sila ni Andrew E.

- Aniya, sa huli ay nanaig ang respeto nang maganap ang pagkita nila kasama ang pamilya niya

- Ito ay sa kabila ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo na kanilang sinuportahan nitong nakaraang halalan

- Matatandaang kamakailan lang ay pinagdiwang nila sa Boracay ang kaarawan ng anak niyang si Mae Subong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Pokwang sa pamamagitan ng isang Instagram post ang hindi sinasadyang pagkikita nila ni Andrew E. sa kanilang bakasyon sa Boracay. Aniya, sa huli ay nanaig ang respeto nang maganap ang pagkita nila kasama ang pamilya niya.

Pokwang, binahagi ang tungkol sa pagkikita nila ni Andrew E.
Pokwang (@itspokwang27)
Source: Instagram

Isa si Pokwang sa mga personalidad na naghayag ng kanyang suporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan. Sa katunayan ay dumalo ito sa ilang mga rally upang tumulong sa pangngampanya.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Si Andrew E. naman ay isa sa performer sa halos lahat ng rally ng UniTeam nina dating senator BongBong Marcos at dating Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa kabila ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo na kanilang sinuportahan nitong nakaraang halalan, marami ang natuwa na maayos ang kanilang naging pagkikita lalo at maraming pagkakaibigan at relasyon ang nasira dahil lamang sa pagkakaiba ng kanilang sinuportahan nitong nakaraang halalan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa bandang huli, respect dito sa @twoseasonsphilippines naganap ang mapayapang gabi with @andrewe_dongalo nagkataon, nagkita kasama ang mga pamilya ❤️ thank you mareng @jenny_penaloza nag enjoy si tisay sa dinner nya.

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer, at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey.

Read also

Mariel Padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit

Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Amerikanong si Lee O'Brian. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Madalas na ibahagi ni Pokwang ang nakakaaliw na video ng anak na si Malia sa kanyang Instagram account. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay.

Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel