Mariel Padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit

Mariel Padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit

- Matapos bumoto noong halalan, pumunta sa Spain sina Mariel Padilla kasama ang mga anak niya at iba pa niyang kaanak

- Sa kanyang social media post ay binahagi ni Mariel ang kanyang mirror selfie na nakasuot ng pink na coat at bag

- Ibinahagi niya ang kanyang tuwa na sa wakas aniya ay makakapagsuot na siya ng pink uli

- Ang pink ang kulay ng partido nina VP Leni Robredo na iba sa partidong kinabibilangan ng kanyang mister na si Robin Padilla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang binahagi ni Mariel Padilla ang kanyang mirror selfie na nakasuot ng pink na coat at bag. Aniya ay muli na siyang makakasuot ng damit na pink at inamin niyang isa siyang pink lover.

Mariel padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Matatandaang sa panahon ng pangangampanya, isa sa paraan ng pagpapahiwatig ng suporta sa isang kandidato ay sa pamamagitan ng paggamit ng kulay ng partidong kinabibilangan ng mga ito.

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Dahil pink ang naging kulay ng partido nina VP Leni Robredo, mayroong mga umiwas muna sa pagsuot ng damit na kulay pink. Bilang ang asawa ni Mariel na si Robin Padilla ay kabilang sa partido nina dating senador Bongbong Marcos at Sara Duterte, karamihan sa sinusuot ni Mariel kamakailan ay kulay green.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang todo-todo ang suportang binigay ni Mariel sa kanyang mister. Sa katunayan ay nakapag-live selling pa ito para lang matulungan sa kanyang kampanya si Robin.

Hindi naman napigilan ni Mariel Padilla na maiyak nang malaman niyang nanguna ang kanyang mister na si Robin sa pagka-senador. Sa kanyang binahaging post kamakailan, pinakita niya ang kanyang naging inisyal na naging reaksiyon sa natanggap na magandang balita.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Mariel Padilla, nagpasalamat sa lahat ng nag-"mine" kay Robin Padilla

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel