Mariel Padilla, nagpasalamat sa lahat ng nag-"mine" kay Robin Padilla

Mariel Padilla, nagpasalamat sa lahat ng nag-"mine" kay Robin Padilla

- Sa kanyang Instagram story ay nagpasalamat si Mariel Padilla sa mga bumoto sa kanyang mister na si Robin Padilla

- Dahil kinaaliwan siya sa kanyang pag-la-live selling, pinasalamatan niya ang mga tagasuporta ng kanyang mister sa pamamagitan ng live selling terms

- Matatandaang todo-todo ang suportang binigay ni Mariel sa kanyang mister at nakapag-live selling pa ito para lang matulungan sa kanyang kampanya si Robin

- Nagbunga naman ang kanyang suporta sa kandidatura ng mister dahil ito ang nanguna sa lahat ng mga senatoriables

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Instagram story, pinasalamatan ni Mariel Padilla ang 26 million na bumuto sa kanyang mister. Dahil kinaaliwan siya sa kanyang pag-la-live selling, pinasalamatan niya ang mga tagasuporta ng kanyang mister sa pamamagitan ng live selling terms.

Mariel Padilla, nagpasalamat sa lahat ng nag-"mine" kay Robin Padilla
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram
ln live selling terms... NOTHING TO EXPLAIN. Complete Inclusions. Maraming Salamat sa 26M na nag Mine sa fresh. Sa Bago. Sa Makatao. Sa Pro Mindanao. Mas Makatarungan na sweldo. Sa Federalism. Salamat sa pag Mine kay SENATOR ROBIN PADILLA!

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Matatandaang todo-todo ang suportang binigay ni Mariel sa kanyang mister at nakapag-live selling pa ito para lang matulungan sa kanyang kampanya si Robin. Nagbunga naman ang kanyang suporta sa kandidatura ng mister dahil ito ang nanguna sa lahat ng mga senatoriables.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi napigilan ni Mariel Padilla na maiyak nang malaman niyang nanguna ang kanyang mister na si Robin sa pagka-senador. Sa kanyang binahaging post kamakailan, pinakita niya ang kanyang naging inisyal na naging reaksiyon sa natanggap na magandang balita.

Sa naunang post niya masayang binahagi ni Mariel Padilla ang kanyang mirror selfie na nakasuot ng pink na coat at bag. Aniya ay muli na siyang makakasuot ng damit na pink at inamin niyang isa siyang pink lover.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Mariel Padilla, masayang pwede na siyang magsuot uli ng pink na damit

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel