Pokwang, ibinida ang bagong packaging ng kanyang binebentang produkto

Pokwang, ibinida ang bagong packaging ng kanyang binebentang produkto

- Binahagi ni Pokwang ang bagong packaging ng kanyang mga food products kagaya ng gourmet tuyo, laing at marami pang iba

- Kung dati ay nakalagay ang picture nila ni Lee O'Brian sa packaging, sa pinakita niya ay tanging siya na lamang ang naroroon sa packaging

- Hindi na rin Poklee ang pangalan kundi Mamang Pokwang na ang nakalagay sa aniya'y bagong bihis ngunit mas pinasarap na produkto niya

- Matatandaang kinumpirma ni Ogie Diaz na hiwalay na sina Pokwang at Lee noong November pa ng nakaraang taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Pokwang ang kanyang mga food products kagaya ng laing, gourmet tuyo, gourmet tinapa, aligue garlic, aligue chili garlic sauce at marami pang iba. Marami ang nakapansin na nabago na ang packaging nito na dati ay kasama si Lee O'Brian.

Pokwang, ibinida ang bagong packaging ng kanyang binebentang produkto
Pokwang, ibinida ang bagong packaging ng kanyang binebentang produkto (@itspokwang27)
Source: Instagram

Sa pinakita niya ay tanging siya na lamang ang naroroon sa packaging. Hindi na rin Poklee ang pangalan kundi Mamang Pokwang na ang nakalagay sa aniya'y bagong bihis ngunit mas pinasarap na produkto niya.

Read also

Barbie Forteza, kinabiliban sa behind-the-scenes ng eksena niya sa putikan

And i’m baaaackkkk!!!! fighting and kicking para sa ekonomiya hahaaaa Paakk this is it!!! bagong bihis pero same at mas pinasarap…. #MamangPokwangsgourmet #espesyalsukâ #laing #gourmettuyo #gourmettinapa #aliguegarlic #aliguechiligarlicsauc

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer, at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey. Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Amerikanong si Lee O'Brian. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Madalas na ibahagi ni Pokwang ang nakakaaliw na video ng anak na si Malia sa kanyang Instagram account. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay. Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Read also

Paolo Contis, pinasalamatan ang kanyang "chef" para sa kanyang everyday baon

Sa kanilang pagbabakasyon sa Boracay, naibahagi ni Pokwang na nagkataong nagkita sila ni Andrew E. Aniya, sa huli ay nanaig ang respeto nang maganap ang pagkita nila kasama ang pamilya niya. Ito ay sa kabila ng magkaibang kandidato sa pagkapangulo na kanilang sinuportahan nitong nakaraang halalan. Matatandaang ka

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel