Barbie Forteza, kinabiliban sa behind-the-scenes ng eksena niya sa putikan

Barbie Forteza, kinabiliban sa behind-the-scenes ng eksena niya sa putikan

- Kinabiliban si Barbie Forteza sa binahaging behind-the-scenes ng isang eksena sa serye niyang "Maging Sino Ka Man"

- Habang nakadapa sa putikan ay tuloy ang pag-iyak niya at umaarteng hirap na hirap sa naturang eksena

- Marami ang bumilib hindi lang sa husay niya kundi sa kanyang dedikasyon sa pag-arte

- Si Barbie ang isa sa mga aktres sa GMA-7 na kilala pagdating sa kanyang pagganap sa mga serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinatunayan ni Barbie Forteza ang kanyang dedikasyon ay husay sa pag-arte sa kanyang eksena sa putikan sa kanyang seryeng Maging Sino Ka Man sa GMA-7. Makikita sa naturang eksena ang paggapang ni Barbie sa putikan habang patuloy na umaarte.

Barbie Forteza, kinabiliban sa behind-the-scenes ng eksena niya sa putikan
Barbie Forteza, kinabiliban sa behind-the-scenes ng eksena niya sa putikan (@barbaraforteza)
Source: Instagram

Gumaganap siya bilang si Monique sa naturang serye kung saan katambal niya si David Licauco na gumaganap naman bilang si Carding.

Read also

Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.."

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Behind scenes grabi .nakakaiyak . tapos mga cameraman tutok na tutok KY Barbie..gumagapang sa putik, galing talaga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Totoongtoo ang shooting sa putikan grabeh ka Barbie napaka professional mo walang daya.
Super galing ni Barbie!

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at marami pang iba. Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Sa nauna niyang vlog, hindi inatrasan ni Barbie ang panonood sa mga kissing scenes ng kanyang boyfriend na si Jak kasama ang kanyang mga naging leading ladies sa mga TV shows. Kinaaliwan ng mga netizens ang reaksiyon at mga komento ni Barbie sa bawat eksenang sabay nilang pinanood. Ilan sa mga nakasama ni Jak sa mga pinanood nilang eksena ay sina Lauren Young at Klea Pineda.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Hindi pinagkaila ni Barbie na masaya siya sa kanyang love life sa kasalukuyan. Ito ang kanyang naging tugon sa tanong sa kanya ni Bea Alonzo kung masaya siya sa kasalukuyan niyang relationship. Pabiro pa nitong nasambit ang "pwera usog" na sinundan ng tawanan nila ni Bea. - Si Bea ang kanyang guest sa kanyang unang episode ng kanyang talkshow na Coffee Talk with Barbie Forteza sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel