Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.."

Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.."

- Binahagi ni Erin Diaz ang video ng kanyang birthday celebration kung saan kinaaliwan ang reaksiyon ng kanyang ama sa kanyang outfit

- Pabirong sinabihan ni Ogie ang anak na baka magkasakit ito dahil sa kanyang suot

- Samantala, para naman sa mensahe ni Ogie sa kanyang panganay ay sinabi niyang kahit spoiled ay hindi abusado at mabait sa mga tao si Erin

- Aniya, kahit hyper ito ay hindi naman lumalagpas sa limitasyon niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang reaksiyon ni Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin Diaz. Sa binahaging vlog ni Erin ay pinakita niya ang kaganapan sa kanyang birthday celebration.

Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.."
Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.." (Erin Diaz/YouTube)
Source: Youtube

Nang unang makita ni Ogie ang damit ng anak ay sinabihan niya itong baka magkasakit ito.

Natawa lang din si Erin dahil tila sanay na ito sa kanyang ama na nagkokomento palagi sa kanyang outfit.

Read also

Hash Alawi, kinaaliwan sa vlog niyang "Buying everything Alexis touches"

Naibahagi naman ni Ogie sa kanyang message kay Erin na kahit spoiled ito ay hindi ito abusado at hindi lumalagpas sa limitasyon niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Erin ay unang simbolo na ako ay pwedeng maging ama. Siyempre nagtuloy-tuloy hanggang sa maka-lima ako. Pero si Erin talaga very spoiled yan eh. Pero ang nakakatuwa hindi siya yung abusado, mabait, at importante sa akin hindi ka bastos sa tao.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa mga nagsasabing buntis si Erich Gonzales. Ito ay matapos siya makita muli sa publiko kasama ng celebrity doctor na si Aivee Aguilar Teo. Marami umano ang nakapansin sa maluwag na damit ng aktres na mahigit isang taon nang kasal. Buntis man o hindi, kahanga-hanga pa rin daw umano ang kagandahan nito.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Inalmahan din ni Ogie ang umano'y producer ng show nina Gigi De Lana at kanyang banda, kasama sina MC Muah at Lassy sa Doha, Qatar. Sinasabing kabi-kabilang aberya ang dinanas ng grupo kamakailan lamang. Bukod sa sinasabing 'gutom' ang artists, hindi rin agad sila nabayaran ng buo kaya nagdesisyon silang 'di na ituloy ang ibang shows doon. Ani Ogie, dapat minamarkahan umano ang producer na ito nang hindi na maulit ang ganoong klaseng pagtrato sa mga Filipino artist.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel