Ogie sa nagsasabing buntis si Erich Gonzales: "May asawa naman si Erich"

Ogie sa nagsasabing buntis si Erich Gonzales: "May asawa naman si Erich"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz patungkol sa mga nagsasabing buntis si Erich Gonzales

- Ito ay matapos siya makita muli sa publiko kasama ng celebrity doctor na si Aivee Aguilar Teo

- Marami umano ang nakapansin sa maluwag na damit ng aktres na mahigit isang taon nang kasal

- Buntis man o hindi, kahanga-hanga pa rin daw umano ang kagandahan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Ogie Diaz tungkol sa komento ng ilang netizens na nag-aakalang buntis si Erich Gonzales.

Ogie sa nagsasabing buntis si Erich Gonzales: "Abangan natin kung may i-aannounce si Erich"
Erich Gonzales kasama si Dr. Aivee Teo (@draivee)
Source: Facebook

Sa mga larawang naibahagi ng celebrity dermatologist na si Dra. Aivee Aguilar Teo, makikitang kasama nito si Erich at isa pang doctor na nagdiwang ng kanilang kaarawan.

Bukod sa natural na ganda ng aktres, napansin umano ng ilan ang suot nitong maluwag na damit.

Read also

Dating pulis na sangkot sa road rage: "Biktima rin ako rito eh"

Bagama't bumilib si Ogie sa pananatili ng katawan ni Erich matapos ikasal noong nakaraang taon, ang ilan naman ay tila napatanong kung nagdadalang-tao na ba ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Unang-una, may asawa naman si Erich. Kung buntis siyae nasa kanya yun kung gusto niyang i-announce in public o sarilinin," ani Ogie Diaz.

"Abangan natin kung may i-aannounce si Erich. kung siya man ay hindi pa nakagampan e, tanggapin natin baka ine-enjoy niya," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Erika Chryselle Gonzales Gancayco-Lorenzo o mas kilala sa kanyang screen name na Erich Gonzales ay isa sa contract artist sa ilalim ng Star Magic. Nakilala siya sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest sa edad na 14.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Huling napanood si Erich sa teleseryeng La Vida Lena. Ginawa niya rin ang seryeng The Blood Sisters noong taong 2018. Isa siya sa unang napisil na maging kontrabida sa Love Thy Woman kasama si Kim Chiu at Xian Lim ngunit umatras siya at pinalitan ni Yam Concepcion.

Kamakailan ay hindi napigilan ni Erich na maiyak habang kausap ang kanyang pamilya. Marami din ang humanga sa kanya nang ibahagi niya ang kanyang simpleng pamumuhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel