Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

- Tila may suhestyon si Ogie Diaz kina Vice Ganda at kapwa nito hosts sa "It's Showtime"

- Aniya, mainam sana kung magtungo mismo sina Vice sa MTRCB para mag-courtesy call

- Ito ay kaugnay pa rin ng icing incident nila ni Ion Perez na umano'y nakatawag pansin ng MTRCB

- Hanggang ngayon, wala pa umanong nailalabas na kaukulang desisyon ang nasabing ahensya patungkol sa nagawang ito nina Vice sa kanilang noontime show

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"
Vice Ganda and Ion Perez (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Tila nagbigay ng kanyang opinyon at suhestyon si Ogie Diaz sa kinakaharap pa ring kontrobersya ni Vice Ganda.

Aniya, sa tagal na tila wala pang nailalabas na desisyon kung may karampatan bang aksyon ang nagawa o nasabi umano nina Vice Ganda at Ion Perez, mainam na mag-courtesy call ang mga hosts mismo sa MTRCB.

Read also

Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me"

"Ako ah personally, mas maganda siguro e mag-courtesy call sila sa MTRCB. Iba pa din yung lalapit ka, hindi dahil 'yung nagmamakaawa ka. Lalapit ka kasi baka mas maintindihan kami ng MTRCB kapag kami mismo ang makikipag-usap sa kanila. Sa akin lang naman yun," paliwanag at paglilinaw ni Ogie.

Matatandaang naging usap-usapan dahilan para makuha ang atensyon ng MTRCB ang umano'y icing incident nina Vice at Ion. Isa sa tinuturo nilang tila mali sa nangyari ay mayroon di umano silang mga kasamang bata sa programa habang nasabi o nagawa ang nasabing insidente.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie mula sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update YouTube channel:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Read also

Cristy kay Andrea Brillantes bilang 'Most Important Star' ng ABS-CBN: "Panahon ni Andrea ngayon"

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Samantala, minsan na ring nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang umano'y pamamahinga ni Vice ngayong taon sa Metro Manila Film Festival na ginaganap tuwing Disyembre. Ipinalabas ito sa sinehan sa araw ng Kapaskuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel