Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me"

Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me"

- Inalmahan ni Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambao ang hindi magandang komento ng ilang netizen laban sa kanya

- Sa kanyang Facebook post ay binahagi niya ang screenshot ng komento sa kanya na aniya ay degrading

- Aniya, maraming bata sa kasalukuyan ang bastos at walang modo kaya kailangang-kailangan turuan ng tamang asal

- Dagdag pa niya, hahanapin niya ang mga nagkomentong ito para makausap nang personal ang mga magulang ng mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambao na sagutin ang aniya'y bastos na komento patungkol sa kanya. Base sa binahagi niyang screenshot ay patungkol sa suspension ng klase ang nirereklamo ng nagkomento.

Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me"
Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me" (Mayor Niña Jose-Quiambao)
Source: Facebook

Ayon sa kanya, maraming mga walang modo at respeto ngayong panahon kaya kailangan turuan ng good manners at right conduct.

Binahagi niya ang screenshot ng kanyang sagot sa aniya'y degrading na komento sa kanya. Mababasa sa komento na kanyang sinagot na tinanong nito ang mayora kung nag-grade 2 daw ba ito.

Read also

Kris Bernal, pinakita sa unang pagkakataon ang mukha ng anak nila ni Perry Choi

Hindi niya ito pinalampas at sinagot na nag-masters pa siya. Dagdag pa niya, tila nakasanayan nang ganito ang trato sa mga public officials.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinabi din niyang hahanapin niya ang mga nagkomentong ito para makausap nang personal ang mga magulang ng mga ito.

I will find you and talk to your parents personally! Let this be a lesson. To anyone else who attacks me and degrades me in this manner, I will post your profile. I do not care about cyber bullying cases or whatnot. Do not dare.

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006. Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Para sa tanong ng kanyang mister kung magpapakasal pa siyang muli sa kaling mauna siyang pumanaw, diretsahan ang naging sagot ni Niña Jose. Aniya, hindi na siya magpapakasal muli sakaling mangyari ang ganoong bagay. Nagkasubukan ang mag-asawa sa husay sa pagsagot sa mga katanungan nila sa isa't-isa sa kanilang Lie Detector Challenge. Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniverary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa.

Hindi ipinagkaila ni Mayor Cezar Quiambao na si Niña ang kanyang greatest love. Inamin niya ito matapos itanong sa kanya ng misis ang tungkol dito sa kanilang ginawang Lie Detector Challenge. Aminado din itong na love at first sight siya sa misis na una munang naging kaibigan bago niya naging karelasyon. Naiintriga at nahuhusgahan man dahil sa kanilang 33 taong agwat ng kanilang edad, laging ibinabahagi ni Niña kung gaano niya kamahal ang kanyang mister.

Read also

Vice Ganda nagulat sa kanyang boses sa Shopee notification: "Eskandalosa"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel