Niña Jose, hindi na raw muling magpapakasal sakaling mawala sa buhay niya ang mister

Niña Jose, hindi na raw muling magpapakasal sakaling mawala sa buhay niya ang mister

- Para sa tanong ng kanyang mister kung magpapakasal pa siyang muli sa kaling mauna siyang pumanaw, diretsahan ang naging sagot ni Niña Jose

- Aniya, hindi na siya magpapakasal muli sakaling mangyari ang ganoong bagay

- Nagkasubukan ang mag-asawa sa husay sa pagsagot sa mga katanungan nila sa isa't-isa sa kanilang Lie Detector Challenge

- Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniverary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahang sinabi ni Niña Jose na hindi na raw siya muling magpapakasal sakaling mawala sa buhay niya ang mister na si Mayor Cezar Quiambao. Ito ay matapos siyang tanungin ng mister ng katanungang ito sa kanilang Lie Detector Challenge.

Niña Jose-Quiambao, hindi na muling magpapakasal sakaling maunang mawala ang mister
Niña Jose Quiambao (@therealninajosequiambao)
Source: Instagram

Nagkasubukan ang mag-asawa sa husay sa pagsagot sa mga katanungan nila sa isa't-isa sa kanilang Lie Detector Challenge. Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa.

Read also

Mayor Cezar Quiambao, sinabing si Niña Jose ang kanyang greatest love

Sa huling bahagi ng kanilang video ay sinabi ni Nina na maituturing niyang God's gift ang kanyang mister para sa kanya. Aniya, kung wala ang mister sa buhay niya, hindi niya alam kung saan siya pupulutin.

Tinupad din daw ng asawa ang kanyang pangarap na magkaaroon ng sarili niyang pamilya. Masasabi niya daw na hindi madali ang kanilang marriage ngunit naging mas matatag sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para naman kay Mayor Cezar nagpapasalamat siya kay Nina sa pagbigay sa kanya ng makulay na buhay. Inaalagaan umano siya nito lalo na kapag nagkakasakit siya.

Binago daw ng misis niya ang buhay niya dahil naging relihiyoso siya, mapagmahal, maalaga at naging family man din daw siya.

Panuorin ang kabuoan ng video nila dito:

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006.

Read also

Niña Jose-Quiambao, sinabing gustong ipa-tattoo ang pangalan ng asawa

Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Noong buwan ng Marso ay kinompirma ni Mayor Quiambao na nag-positibo silang mag-asawa sa COVID-19. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi niyang maayos na ang kalagayan nilang mag-asawa matapos makatanggap ng karampatang pangangalagang medical mula sa mga doktor.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel