Kris Bernal, pinakita sa unang pagkakataon ang mukha ng anak nila ni Perry Choi

Kris Bernal, pinakita sa unang pagkakataon ang mukha ng anak nila ni Perry Choi

- Naibahagi ni Kris Bernal sa kanyang vlog ang behind-the-scenes ng ginawang photoshoot para sa anak nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca

- Sa kanyang vlog ay nabanggit niya na 10 araw ang nakalipas mula nang ipanganak niya si Hailee nang ganapin ang photoshoot

- Ani Kris, marami ang nagsasabing kamukhang-kamukha ng kanyang mister ang anak nila

- Kaya naman ay idinaan na lang niya sa pagdagdag ng kaartehan at kakikayan sa photo shoot para naman daw mayroong mula sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Kris Bernal sa unang pagkakataon ang mukha ng anak nila ng asawang si Perry Choi. Sa kanyang vlog ay pinakita niya ang behind-the-scenes ng ginanap na photo shoot.

Kris Bernal, pinakita sa unang pagkakataon ang mukha ng anak nila ni Perry Choi
Kris Bernal, pinakita sa unang pagkakataon ang mukha ng anak nila ni Perry Choi
Source: Youtube

Naibahagi ni Kris sa naturang video na 10 araw mula nang isilang niya si Hailee Lucca ginanap ang photo shoot.

Read also

Lester Fowler, pinuri ang bagong kanta ni Toni Fowler: “Bilib ako sayo tol!”

Tila tanggap naman ni Kris na kamukha ng kanyang mister ang anak nila. Aniya, iyon ang kadalasang sinasabi sa kanya ng ibang tao tuwing nakikita ang anak.

Nabanggit din ni Kris na naging madali na para sa kanya ang breastfeeding. Balak daw niyang mag-donate ng kanyang breastmilk para sa mga inang nangangailangan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang natuwa sa vlog na ito ni Kris lalo na ang kanyang mga tagasuporta. Narito ang ilang komento ng mga netizens:

Carbon copy sa daddy . Welcome to the world baby
Isang nanay nanaman po ang nalugi.. 9months mong dinala, tapos kamukha ng daddy. Pero congratulations pa din, bawi nalang sa 2nd baby!
Ito yong last month ko pa hinihintay congratulations she-shumz sa pag share samin

Si Kris Bernal ay unang nakilala sa kanyang pagkapanalo sa ikaapat na season ng StarStruck. Siya ay nakilala rin sa kanyang dual role bilang Rosette at Nimfa sa Impostora.

Read also

Nikko Natividad, napagtantong mahirap daw pala matulog sa garahe nila

Kamakailan ay naibahagi ni Kris ang tungkol sa 'toxicity' ng social media sa kanyang buhay. Aniya, nanahimik muna siya sa social media. Matatandaang umani ng mga reaksiyon ang pagbabahagi niya ng update kaugnay sa kanyang pagbubuntis at nalalapit na panganganak.

Naibahagi din ni Kris ang kanyang saloobin kung paano niya nakikita ang kanyang sarili. Aniya, ibang-iba na ang nakikita niya ngunit alam niyang siya ay mas malakas dahil isa na siyang ina. Aniya, hindi na niya nakikilala ang sarili pag tumitingin siya sa salamin pero alam daw niyang siya ay nasa kanyang best era.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel