Cristy kay Andrea Brillantes bilang 'Most Important Star' ng ABS-CBN: "Panahon ni Andrea ngayon"

Cristy kay Andrea Brillantes bilang 'Most Important Star' ng ABS-CBN: "Panahon ni Andrea ngayon"

- Maging si Cristy Fermin ay napa-react sa bagong bansag umano kay Andrea Brillantes

- Ito ay matapos umugong ang balitang si Andrea ang 'Most Important Star' ngayon ng ABS-CBN

- Matatandaang madalas na talagang mapuri ni Cristy si Andrea sa pagiging totoo nito sa sarili

- Aniya, tila panahon talaga ngayon ng aktres na may bagong serye, ang 'Senior High'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento si Cristy Fermin at mga kasama niya sa Showbiz Now Na! tungkol sa napabalitang si Andrea Brillantes ang itinuturing umanong 'Most Important Star' ng ABS-CBN ngayon.

Cristy kay Andrea Brillantes bilang 'Most Important Star' ng ABS-CBN: "Panahon ni Andrea ngayon"
Andrea Brillantes (Andrea Brillantes FB)
Source: Facebook

Kapansin-pansin na halos sunod-sunod ang mga naging proyekto ng aktres na isa pa rin umanong Kapamilya.

Dahil dito, hindi maiiwasang almahan ito ng mga netizens at fans ng mga kasabayan niyang artista.

Subalit ayon kay Cristy, tila panahon talaga ngayon ni 'Blythe' na sa kabila ng kontrobersiya ay patuloy na namamayagpag ang karera.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Tanggapin po natin ang katotohanan panahon ni Andrea ngayon. Ito yung panahon na kahit ano lang ang sabihin ni Blythe kahit isang simpleng salita na kung tutuusin 'di naman niya sineseryoso, nagiging malaking isyu"

Paliwanag ni Cristy, tila malapit umano ang puso ng publiko sa aktres dahilan para siya'y labis na pahalagahan sa ngayon.

"At sa pagkatawag sa kanya na The Most Important Star, natural lamang po na medyo maliglig ang grupong iba diyan."
"Malapit sa kanya ang puso ng publiko, nakakatuwa. Kung sinoman po 'yung artistang nakalampag niya ang kasikatan. Nakalampag niya ang hanapbuhay, ganun naman po talaga. Lahat naman kayo ay papunta diyan. Basta magpakita lamang kayo ng karapatan at pagkakataon na kaya niyong gawin ang lahat ng ginagawa ni Andrea, okay na 'yan, panalo na yan"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa bagong episode ng Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Fiancée ni Robi Domingo, hiling na ituloy pa rin ang kasal: "Give me something to hope for"

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Noong Hunyo, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Kamakailan naman ay gumawa ng ingay ang komento ni Andrea na nais umano niyang maka-date ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak. Umani ng kabi-kabilang reaksyon ang komento niyang ito kaya naman nasabi ni Andrea ang mga katagang "is my love life or taste in boys really that relevant to this world, Full of problems na nga?"

Read also

Cristy sa kontrobersyal na mga pahayag ni KC Concepcion: "Marespeto siya talaga"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel