Fiancée ni Robi Domingo, hiling na ituloy pa rin ang kasal: "Give me something to hope for"

Fiancée ni Robi Domingo, hiling na ituloy pa rin ang kasal: "Give me something to hope for"

- Umantig sa puso ng marami ang umano'y love story nina Robi Domingo at fiancée nitong si Maiqui Pineda

- Matatatandaang ilang buwan matapos ianunsyo ang kanilang engagement, isinapubliko naman nila ang rare autoimmune disease na tumama kay Maiqui

- Dala ng sitwasyon, naisip na ni Robi na ipagpaliban ang kasal na hindi naman sinang-ayunan ng fiancée

- Dahil dito, mas abala si Robi ngayon para sa preparasyon ng kanilang pag-iisang dibdib

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal na naikwento ni Robi Domingo ang balak sana niyang i-delay ng kaunti ang kasal nila ng fiancée nitong si Maiqui Pineda.

Fiancée ni Robi Domingo, hiling na ituloy pa rin ang kasal: "Give me something to hope for"
Robi Domingo and Maiqui Pineda (@iamrobidomingo)
Source: Instagram

Ito ay dahil umano sa rare autoimmune disease na tumama kay Maiqui, ang Dermatomyositis na siyang dahilan ng paghihina ng muscles, inflammation at maging rashes sa balat.

Dala ng pag-aalala sa kalusugan ni Maiqui, aminado si Robi sa ideyang ipagpaliban muna ang kasalan nila.

Read also

Bugoy Cariño, aminadong pinanghinayangan noong una ang pagkawala ng projects

Subalit, kamangha-manghang mismong si Maiqui ang nagnais na ituloy ito sa kabila umano ng kanyang kondisyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"We talked about it. And honestly, because of her condition, I was the one who told her baka dapat i-delay natin ng konti. Kasi medyo iniisip ko na 'yung health niya. And then siya yung nagsabi na 'don't. Give me something to hope for," emosyonal na naibahagi ni Robi sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Dahil dito, si Robi ang punong-abala sa preparasyon sa kanilang kasal habang patuloy naman ang gamutan ng nobya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Robi mula sa ABS-CBN News:

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.

Read also

Ogie D, dinipensahan si Baron Geisler: "They made sure na hindi nakainom si Baron"

Samantala, isa ang love story nina Robi at fiancée nitong si Maiqui Pineda sa nagpapabilib ngayon sa publiko. Bukod sa nakakakilig nilang engagement noong nakaraang taon, labis na hinanggaan ang dalawa na nananatiling matatag sa kabila ng kondisyon ngayon ni Maiqui sa kanyang kalusugan.

Sa pinakabagong post ni Robi sa kanyang Instagram, ibinahagi nito ang Eye check-up ni Maiqui na umano'y epekto ng kanyang gamutan. Gayunpaman, masaya pa rin silang malaman na okay pa rin naman ang lahat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel