Bugoy Cariño, aminadong pinanghinayangan noong una ang pagkawala ng projects

Bugoy Cariño, aminadong pinanghinayangan noong una ang pagkawala ng projects

- Ani Bugoy Cariño maraming mga projects at offers sa kanya ang nawala nang lumabas ang isyung nakabuntis siya

- Sa kabila ng mga nangyaring ito ay bumabawi naman na daw si Bugoy sa ngayon

- Kahit pinanghinayangan niya noon, naisip daw niyang siguro kaya binibigay ng Panginoon sa kanya ang ganoong karanasan kasi kaya niya itong malampasan

- Nakatakdang mapanuod si Bugoy sa pelikulang “Huling Sayaw” kung saan makakasama niya si Belle Mariano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Bugoy Cariño na maraming mga projects at offers sa kanya ang nawala nang lumabas ang isyung nakabuntis siya. Sa mediacon ng pelikulang "Huling Sayaw, sinabi niyang pinanghinayangan niya noong una ang naunsiyaming career nang maging ama sa murang edad.

Bugoy Cariño, aminadong pinanghinayangan noong una ang pagkawala ng projects
Bugoy Cariño, aminadong pinanghinayangan noong una ang pagkawala ng projects
Source: Instagram
Sobrang panghihinayang po. Totoo naman po kasi nagka-isyu po noon na nakabuntis ako. Maraming na-reject na project. Maraming mga natanggal na raket na iyong career ko naging bad."

Read also

Ogie D, dinipensahan si Baron Geisler: "They made sure na hindi nakainom si Baron"

Sa kabila nito, malaki daw ang nabago sa kanya ng pagkakaroon ng pamilya.

“Para sa akin naman po, sobrang binago ako noong magka-pamilya na ako kasi s'yempre kapag may pamilya ka na, di mo na ginagawa 'yong dati mong ginagawa. Iyong labas-labas with friends. Iyong pagbubuhay-binata, hindi mo na ginagawa,"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Matatandaang buong tapang na inamin ni Bugoy na unang plano nila sa kanilang anak ng dating volleyball star na si EJ. Dala ng kabataan, naisip daw talaga nilang ipatanggal na lang sana ang nasa sinapupunan ng kanyang girlfriend. Subalit dala ng matinding pagdarasal at pagkausap sa kanyang ama, hindi na ito naipagawa ni Bugoy kay EJ. Ngayon, masayang-masaya silang mag-anak kasama ang tatlong taong gulang na nilang anak na si Scarlet.

Read also

KC sa Sharon-Gabby concert: "It's a show for other people but it's real life for me"

Sa kabila ng mga pinagdaanan ng dating child star, masasabing unti-unti na raw siyang nakabangon. Matatandaang naging batang ama si Bugoy, dahilan upang mawalan umano siya ng mga proyekto sa showbiz. Subalit ngayon, nabigyan pa niya ng negosyo ang ama at maayos din ang kinikita niya sa pag-FB stream niya ng kanyang laro. Aniya, tila mas malaki pa nga raw ang sinasahod niya ngayon kaysa noong nag-aartista pa siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel