Vice Ganda, pahinga muna umano sa MMFF ayon kay Ogie Diaz

Vice Ganda, pahinga muna umano sa MMFF ayon kay Ogie Diaz

- Hindi muna umano makikilahok si Vice Ganda sa tanunang MMFF na ginaganap tuwing Disyembre

- Ito umano ang nabalitaan mismo ni Ogie Diaz mula kay Vice na mas gustong Nobyembre maipalabas ang pelikula

- Matatandaang isa sa mga pelikula niyang tumabo pa rin sa takilya ay ipinalabas noong Nobyembre 2016

- Gayunpaman, hindi pa umano huli ang lahat sakaling magbago ang isip ni Vice at lumahok pa rin sa MMFF

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na kumustahin si Vice Ganda nang magawi umano siya sa set ng It's Showtime.

Vice Ganda, pahinga muna umano sa MMFF ayon kay Ogie Diaz
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Nausisa rin umano ni Ogie si Vice tungkol sa inaasahan ng marami na movie entry nito sa Metro Manila Film Festival.

Subalit ayon sa It's Showtime host, tila pahinga muna raw ito sa MMFF ngayong taon.

Read also

Pura Luka Vega nang matanong kung gagawin muli niya ang paggaya kay Kristo: "Yes"

"Hindi muna siya sasali sa Metro Manila Film Festival. At kung siya ang papipiliin, gusto muna niya ang play date na November. Just like before na November 30 yata ipinalabas yung isang movie niya na tumabo sa takilya," ani Ogie D.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"So intayin natin baka may changes pa rin naman yan," dagdag ni Ogie gayung mayroon pang panahon sakaling magbago ang isip ni Vice.

Matatandaang ang pelikula noon ni Coco Martin na The Super Parental Guardians ay ipinalabas noong Nobyembre ng 2016. Tumabo ito sa takilya kahit hindi naging entry sa MMFF sa taong iyon.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

AJ Raval, ibinida ang kanyang husay sa paglaro ng lato-lato

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel